Na-experience mo na bang pumunta sa palengke at bumili ng prutas, kaso pag-uwi mo, nalaman mong kulang pala ito sa timbang?
Nakakainis at feeling mo ay napaka-unfair, ‘di ba?
Babalikan mo pa ba o hahayaan mo na lang ito?
Minsan, ang sweldo ay parang ring timbangan. Minsan, hindi tama ang bigat o bilang nito.
Iyan na marahil ang bukambibig ng karamihan – na kahit anong effort ang ibigay nila, kulang pa rin ang kinikita nila para sa pang-araw-araw na gastusin.
Pero bago natin sisihin ang sweldo natin, kung bakit kulang ito – bakit hindi rin natin tingnan ang ating mga sarili, kung meron rin tayong PAGKUKULANG?
Una, LAGI MO BANG IKINUKUMPARA ANG IYONG SARILI SA IBA?
“Bakit nakakabili siya ng mga bagong damit lagi? Ako, umaabot pa ng ilang buwan bago makabili ng bago.”
“Bakit P20,000 ang sahod niya? Ako, P12,000 lang. Eh, mas matagal na ako rito kaysa sa kanya.”
If we always compare ourselves to others, kapag nanaig ang inggit sa ating mga puso, no amount of income will ever be enough. Chances are, you’ll borrow money from others para mabili mo lang ang gusto mo.
Tandaan, hindi nabubuo ang ating pagkatao sa mga bagay na binibili natin – branded man o hindi. Naniniwala ako na kung secure ka, your NAME itself will become a brand.
ARE YOU LIVING BEYOND YOUR MEANS?
- Sasama sa gimikan, wala namang budget.
- Bibili ng mamahaling bag, inutang naman.
- Laging naka-fine dining, swipe-aray naman sa credit card.
- You only earn P10,000, pero parang P20,000 na ito dahil sa lifestyle mo.
This is the most common problem when it comes to finances. Wala namang extra at kulang ang pera natin kadalasan, pero namumuhay tayo beyond what we can only afford.
Bakit nga ba tayo napipilitang sumabay sa iba? Dahil ba nahihiya ka o dahil minsan, feeling mo ay kawawa ka?
Keep in mind na mas ‘kawawa’ tayo kapag nalubog tayo sa utang. Mahihirapan na tayong umahon dahil ang tatrabahuin natin, magiging pambayad sa utang na lang.
Live with what you can only afford para hindi ka umabot sa ganitong eksena.
ARE YOU THANKFUL FOR WHAT YOU ALREADY HAVE?
Alam niyo ba ang story na ito: A teacher was holding a glass of water, half-full, in front of her class. She asked her students kung anong nakikita nila, half-empty ba or half-full? Some answered half-empty, the others half-full.
What does this mean?
Minsan kasi, we only see the negative side (half-empty glass) kaya nakakalimutan nating magpasalamat at tingnan na sa likod ng sweldong natatanggap natin, maliit man ito o hindi sapat, meron tayong:
- Trabaho na hindi lahat ay meron.
- Money that allows us to eat 3 times a day.
- Learnings and challenges that help us grow.
Ito ang tinatawag nating HALF-FULL…realizations na kahit na may kulang, we still believe na darating rin ang panahon na mapupunan natin ito.
Can you see what I???m trying to drive at?
Wala naman ito sa kumpanya at sa laki o liit ng sinesweldo natin.
Kapag kulang ang sweldo natin, ang sagot ay nasa sarili rin natin.
Dapat, tayo ay may disiplina, marunong kumontrol ng ating mga gastusin, at maging secure sa ating pamumuhay.
THINK. REFLECT. APPLY.
Ang sweldo mo ba ay parang timbangan sa palengke – madalas, ito ay kulang?
Ano sa palagay mo ang dahilan?
Handa ka na bang gumawa ng paraan para ito ay magkasya?
====================================================================
Are you having a hard time saving money? Do you want to know the best ways to save money and how to save money fast? Are you willing to take money saving challenges so that you can manage your finances?
Become an Iponaryo this year and sign-up for Ipon Pa More event here,
https://chinkshop.com/
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.