Bakit kaya ang sweldo ay parang hangin?
Hindi mo nakikita.
Hindi mo napapansin.
Karamihan siguro sa atin, ito ang madalas na dinadaing. ‘Yun bang kaka-withdraw mo pa lang ng sweldo, pero kinabukasan – biglang: OH, NASAAN NA?
Mahirap kapag ganito lagi ang dilemma. Kung simple o maliit na gamit nga lang na nawawala, nakakabaliw na – eh ‘yun pa kayang pera na kailangan nating pagtrabahuan ng isang buwan?
Nakakainip maghintay ng akinse o atrenta, tapos habang wala pa, mamamaluktot muna o worst case – uutang para lang makatawid at makaraos.
Paano ba natin maihahalintulad ang hangin sa sweldo natin?
HINDI MARAMDAMAN
Nakatodo na ang electric fan, sa labas na nakapwesto, todo na ang paypay, naka-aircon na???t lahat-lahat – pero may mga pagkakataon na hindi pa rin natin maramdaman ang hangin sa sobrang init.
Ganito rin ang eksena pagdating sa sweldo kung minsan.
Sa sobrang bilis ng paggastos – lalo na sa gimikan, shopping, bayad-utang, fine dining, at kung anu-ano pang unnecessary expenses – nawawala na lang ito na parang bula.
Okay lang kung hindi nakikita ang hangin, pero mas masarap sana kung nararamdam natin ang simoy nito – kung baga sa sweldo o pera, alam natin kung saan ito napupunta.
It would also help if we list down everything para alam natin ang pwedeng alisin, bawasan, o i-retain.
NAKAKAPANLAMIG
Minsan naman, sa sobrang lakas ng hangin, giniginaw na tayo. Oo, masarap sa pakiramdam. Pero kapag nasobrahan, nakakainis na ang feeling dahil:
- Mahirap gumalaw.
- Nanginginig ka na sa lamig.
- Mahirap huminga.
Ito ang mararamdaman mo, lalo na kung hindi mo alam kung…
- “Saan na ako kukuha ng pambayad?”
- “Paano ako kakain bukas?”
- “Kanino ako mangungutang?”
Protect yourselves. Sa una pa lang, use a jacket to avoid catching a cold – on top of that, ito ay may tamang lamig at tamang warmth para hindi ka masyadong maapektuhan ng panahon.
At gaya sa pera, ang jacket natin ay disiplina sa sarili – saktong gastos at saktong ipon.
MASAKIT SA MATA
Napuwing ka na ba sa sobrang lakas ng hangin? Sakit, noh? Ang hirap imulat kaya kailangang hugasan kaagad.
Eh, kung titingnan mo ang iyong wallet o account sa banko, sumasakit rin ba ang mata mo dahil wala kang makita kundi maintaining balance o sa-id sa maintaining balance?
Kapag ganito, ang masasabi mo nalang ay: “Sana, namamalik-mata lang ako.”
Pero hindi, eh. Our reality oftentimes comes with pain and hurt once we open our eyes because of our wrong actions and bad habits.
Kung ayaw mong mapapikit sa sakit at gusto mong manlaki lang ito sa mangha dahil sa maiipon mo every month o year, you should LEARN TO CONTROL YOUR SPENDING and LEARN TO BUDGET.
THINK. REFLECT. APPLY.
Para bang hangin ang pera mo? Hindi maramdaman, nakakapanlamig, at masakit sa mata?
Paano mo mapoprotektahan ang sarili mo kapag malakas ang hangin o dahil sa maraming temptations around you?
Gusto mo ba ng tamang lamig at tamang warmth lang?
====================================================================
Are you having a hard time saving money? Do you want to know the best ways to save money and how to save money fast? Are you willing to take money saving challenges so that you can manage your finances?
Become an Iponaryo this year and sign-up for Ipon Pa More event here,
https://chinkshop.com/
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.