Single Blog

Ang Pangit At Ang Taba Ko Na””

MATUTONG MAKUNTENTO SA KUNG ANO MAN ANG IPINAGKALOOB SA ATIN NG DIYOS

Nasabi mo ba sa sarili mo ang mga katagang ito?
Down na down ka na ba dahil pakiramdam mo ay iiwan ka na ng asawa o ng boyfriend mo dahil sa physical appearance mo ngayon?
Hindi mo na ba alam ang gagawin para i-boost ang iyong confidence?

To help boost the confidence of people na may low self-esteem,
some people tend to just go to the gym and mag pa spa at parlor to look and feel good. Wala naman masama dito, pero what people don’t realize is that beauty is more than skin deep.

Kaya naman kung makapag reklamo sila na kung gaano sila kapangit or kataba ay talaga namang wagas.

Kapag dumadating ka sa puntong gusto mo nang sumuko at tanggapin sa iyong sarili na ang pangit-pangit at ang taba-taba mo na, STOP!

Kumalma at mag-reflect ka muna with these points. Una kailangan mo maunawaan that ….

YOU ARE FEARFULLY AND WONDERFULLY MADE BY GOD

You are made in the image and likeness of God kaya huwag mong maliitin kung ano ang meron o wala ka. Hindi ka matangkad? Hindi matangos ang ilong mo? Hindi ka maputi? Hindi ka “sexy”? So what? God loves you just the way you are. Oo, gusto Niyang alagaan mo ang sarili mo. Pero di Niya gusto ang ginagawa mong panlalait o pangmamaliit sa sarili mo.

Be grateful to God that He made you in His likeness and not in any animal’s (i.e. monkey) likeness. Show your gratefulness by appreciating your height, weight, skin color, all of your attributes! Thank Him every single day.

SELF-ESTEEM IS THE BEST OUTFIT

Knowing the first point, that you are fearfully and wonderfully made by God, will give you the ultimate confidence boost you need.

Kung mapapansin niyo, ang mga taong confident sa kanilang sarili ay kamangha mangha–hindi iyon dahil sa kanilang suot o kulay ng balat, ngunit dahil sa pagdadala sa kanilang sarili. May mga tao na kahit anong estado sa buhay o kahit anong ganda o gwapo nila ay wala namang nagiging positive impact sa kanilang kapwa. Bakit? Dahil ultimo sila ay hindi bilib sa kanilang sarili.

Build your self-esteem from the inside and you will be confident on the outside. Ang pisikal nating itsura ay mahalaga na ating pangalagaan dahil iyon ay biyaya sa atin ng Panginoon. At mahalaga din na ma-appreciate natin kung ano ang nakikita natin sa salamin because what you see in the mirror is a miracle from God. Let that miracle be a blessing–not a burden–to your spouse and to everyone around you.

THINK. REFLECT. APPLY.

Do you think ay pangit o mataba ka? Remember, self-confidence is the best outfit and that you are fearfully and wonderfully made by God. So think again.

Comments (0)