Tinanong mo na ba sarili mo…
“Ano ang gusto mong gawin sa iyong buhay?”
“Ano kaya ang layunin ko sa buhay?”
“Matutupad ko ba ang mga ito?”
Kung ito ang iyong mga katanungan, isa lang ang kahulugan niyan. Hinahanap mo ang KAHULUGAN ng iyong buhay.
Tulad ng isang cell phone, kung meron kang gustong malaman kung paano ma-maximize yung features ng iPhone. Kailangan mo pumunta sa website ng Apple dahil sila ang lumikha nito at basahin ang manual.
Lahat naman tayo, nais nating malaman kung ano ang misyon natin at paano natin ma-maximize ang ating buhay.
Kung gusto mo malaman talaga ang iyong misyon sa buhay, kailangan mong tanungin ang lumikha sa iyo. Dahil ang Tagapag-likha lang ang pwede sumagot nito.
Ang Diyos ang Tagapag-likha, kaya’t Siya lang tanging pwedeng sumagot ng katanungan na yan. Nandito tayo sa mundo dahil meron Siyang nais ipagawa sa atin. Dapat natin sikapin na malaman ito at gawin natin ang ating maabot kaya para maisakatuparan ito.
“God GAVE us LIFE so we can LIVE OUR LIVES to the FULLEST.”
-Chinkee Tan, To Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- Alam mo na ba ang misyon mo dito sa mundo?
- Na ma-maximize mo ba ang iyong buhay ngayon?
- Ano na ang nagawa mo para ito ay hanapin?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.