Single Blog

Ang Dating Mahirap, Ngayon Ay Mayaman Na

huwag mawawalan ng pag asa

Ang dating nagtitinda ng tsinelas at sapatos, bilyonaryo na ngayon.
Iyan si Henry Sy Sr.
Ang dating amateur na boksingero, world champ na ngayon.
Iyan si Manny Pacquiao.
Ang dating talunan sa mga beauty contest, isang ganap na Miss Universe na ngayon.
Iyan si Pia Wurtzbach.
Ang dating Mayor, Presidente na ngayon.
Iyan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Tingnan mo nga naman ang buhay.
Talagang hindi natin pwedeng husgahan ang kinabukasan base sa ating nakaraan.
Isa lamang itong patunay na ang buhay natin ay parang gulong.
Minsan nasa ilalim, minsan nasa ibabaw.

Lahat ng mga nagtagumpay sa buhay ay dumaan sa samu???t-saring pagsubok. If they didn???t go through those trying times, I???m sure they will not emerge stronger and become better versions of themselves.
Successful people use challenges as springboard to do bigger things.

Tandaan mo kapatid, hindi ka forever mahirap.
Hindi ka forever talunan.
Hindi ka forever kawawa.

Sa pamamagitan ng determinasyon, sikap at tiyaga, galing at talino, siguradong magbabago ang takbo ng buhay mo.

Kaya kahit anong pagsubok ang pinagdadaanan mo ngayon sa buhay…

Darating ang panahon, giginhawa ka rin.
Aasenso ka rin.
Malalagpasan mo rin ang bagyo.
Makakabayad ka rin ng mga utang.
Maaayos rin ang relasyon ninyong mag-asawa.

Ang buhay ay pana-panahon lang. ‘Ika nga ni Kuya Kim, “ang buhay ay weather-weather lang”.
May season na maulan, may season na tag-araw.

THINK. REFLECT. APPLY.

Ano ang mga goals o pangarap mo sa buhay?
Pinagsisikapan mo ba ito?
Bumigay ka na ba o lumalaban ka pa?

Comments (0)

Get Coached by Chinkee Tan From Wherever You Are!

DOWNLOAD THE APP NOW!
close-link