20% Off – Nanlalaki ang mga mata!
40% Off – Bumibilis ang tibok ng puso!
50% Off – Nanginginig na ang mga kamay!
70% Off – Nagkakandarapa nang hakutin ang lahat ng makita!
Ganyan ba ang nararamdaman mo kapag may sale?
Paano natin masasabi na ang isang tao ay adik sa sale?
Ito ang ilan sa mga senyales:
- Binibili mo, kahit hindi mo kailangan. Basta naka-sale, bili lang nang bili.
- Kahit gaano pa kamahal, bibilhin mo pa rin – basta naka-sale.
- Hindi ka na kumukunsulta sa asawa o magulang mo kung bibilhin mo ang isang bagay, baka pigilan ka lang nila.
- Handa kang masira ang budget mo para sa sale.
- Kung maubos man ang pera mo, okay lang – at least makakatipid ka dahil sale.
- Hoaring-mode on, kahit hindi mo naman magagamit.
- Kahit hindi mo type ang design, okay lang – basta 90% off.
- Makikipag-agawan ka at makikipagbalyahan sa ngalan ng sale.
- Kakalimutan mo ang mga priorities and responsibilities mo, alang-alang sa sale.
- Handa kang malubog sa utang, makabili lang ng sale.
Ilan lang ‘yan sa mga senyales na ang isang tao ay adik sa sale.
Alam ko na may ibang tao na struggling labanan ang paggastos. Sino ba naman ang ayaw makatipid?
Sino ba naman ang gustong malubog sa utang?
Sino ba naman ang gustong mabuhay sa financial stress?
Akala kasi ng karamihan, nakakatipid tayo tuwing bibili tayo kapag may sale. Pero sa totoo lang, ‘di natin namamalayan, mas napapagastos pala tayo – lalo na kung wala naman ito sa ating budget. Ito bang bibilhin natin ay priority ba o hindi?
I’m not saying na huwag ka nang mag-abang o bumili ng sale, my point is this:
ISIPIN MONG MABUTI KUNG KAILANGAN MO ITO.
Yes, makakatipid ka nga – ‘di hamak, pero kailangan mo ba talaga ito? Magagamit mo ba ito? Ikamamatay mo ba kapag hindi mo ito nabili? Tanungin mo nang ilang ulit ang sarili mo bago ka bumili.
ISIPIN MONG MABUTI KUNG WORTH IT BA ITO.
Kung talagang good deal at talagang kailangan mo ito, then go for it. But if it is just for the sake na makabili ng sale, then don’t. Kung hindi mo ito priority at wala ito sa budget mo, then don’t buy or else – other needs will be sacrificed. I’m telling you it’s not worth it. ‘Yung tipong gagastusin mo ang ilalaan mo sana na pang-tuition fee ng anak mo para lang makabili ng naka-sale na flatscreen TV.
ISIPIN MONG MABUTI KUNG IKABUBUTI MO BA ITO.
Kung malulubog ka lang sa utang, kung maiistress ka lang sa huli, kung mawawala ang peace sa heart mo, kung pag-aawayan lang ito ng mga tao sa paligid mo, kung magkakagalit lang kayo ng asawa mo, kung makakasama ito sa iyo – huwag ka nang magdalawang-isip. Don’t buy it. It’s just a sale. Palipasin mo nalang ito.
ISIPIN MO KUNG UTANG BA ITO O BABAYARAN MO BA NG CASH.
The issue is not the sale, the issue is kung talagang may budget ka para dito.
Meron ba tayong pambili? It is never about the opportunity, but it is all about the resource. Kung wala talaga tayong pera, kailangan matutong magtiis, maghintay, at magtiyaga. Huwag pipilitin, maganda man ang deal o kung ito ay uutangin lang.
Come on, I am not anti-sale and I also don’t want to dampen your shopping spirits.
Hindi masamang i-enjoy ang fruits ng ating labor. However, we should be wise in spending our resources or else – it can cause serious harm, sa iyo at sa mga mahal mo sa buhay. Learn to be content sa kung anong meron ka. Be grateful and be thankful.
THINK. REFLECT. APPLY.
Adik ka ba sa sale?
How do you discipline yourself when it comes to spending?
Are you grateful?
====================================================================
Are you having a hard time saving money? Do you want to know the best ways to save money and how to save money fast? Are you willing to take money saving challenges so that you can manage your finances?
Become an Iponaryo this year and sign-up for Ipon Pa More event here,
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did you enjoy this article? You can also check on these related posts:
- #TIPIDHITS SERIES: SPENDING HABITS TIPS
- 3 SIMPLE STEPS TO DISCIPLINE YOURSELF FROM SPENDING
- What A Spending Budget Is And How To Create One
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.