Hello mga #Iponaryos!
May kilala ka ba na napaka negative mag-isip? O baka naman ikaw na ito!
I am encouraging you to read this blog and watch my YouTube video. Bakit ba kamo? Kasi may mga hindi magandang epekto sa atin ang pagiging nega!
Tingnan mo baka nararanasan na ito ng mga taong malalapit sa ‘yo.
LAGING MAY PROBLEMA
“Naku ang dami-dami na namang bayarin.”
“Hay wala na naman tayong pera pambili ng mga’ yan.”
“Ang baba-baba ng sweldo! Kuripot kasi ng employer natin.”
Naku kaChink, kung lagi mo itong sinasabi at lagi na lang negatibo ang naiisip mo, lagi ka talagang mapapagod at mai-stress sa mga ito. Kasi kinuhuha nito ang energy mo.
Alam mo naman na may mga bayarin eh. Alam mo rin naman na may kailangan kang bilhin. Kaya kung magkano lang ang sweldo mo, ikaw ang mag-adjust dito.
Kung talagang kulang, maghanap ng iba pang pagkakakitaan… pero kung ikaw ay
LAGING WALANG TIWALA SA SARILI
Mahirap rin makahanap ng ibang mapagkakakitaan kung kada opportunity na dumarating ay nakikitaan mo agad na hindi mo kaya.
Bakit hindi mo subukan? Kung challenging ito, pero worth it naman dahil may extra income ka, then gawan mo ng paraan para masolusyunan ang mga challenges.
Hindi pwede na naghahanap ng pagkakakitaan tapos may kaunting hirap lang, ayaw na agad. Walang mangyayari n’yan, dahil walang success ang hindi dumadaan sa challenges.
Kaya kung
LAGING TAKOT SUMUBOK
Ito na ang panahon para simulan mong mag-isip ng positibo. Isipin mo na kapag nagawa mo ito, mababayaran mo na ang mga bayarin na hindi natatakot kay Judith (due date) at Bill (bill ng kuryente, tubig etc…) lol!
Simulan mong magtiwala sa sarili mong kakayahan. Huwag mong ipasa lang ang bola kung kaya mo naman itong i-shoot ng 3 points.
Maiksi lamang ang buhay kaya
“You should never allow yourself to have a poor mindset because you will only end up with too much regret.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
Anu-ano ang iyong mga problemang pinansyal?Paano mo ito nasosolusyunan?Ano ang gusto mong simulan para mas umunlad ang iyong sarili?
Watch my YouTube video:
Mayaman Ka Na Dapat, May Taong Sumisira Lang Sa Iyo (Part 1)
Click here: https://youtu.be/bpbXoZlyB7s
For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.