One of the most stressful things that can happen to anyone is getting buried in debt.
Oras na malubog ka sa utang, mahirap nang magkaroon ng pag-asa na malalampasan mo ito.
Sa dami ng email at personal messages sa akin, ramdam na ramdam ko ang bigat na dinadala ng bawat letter sender.
Kung pwede lang talaga mag-laho ang utang tapos na ang problema.
But sometimes, kailangan lang din ng ibang tao dumaan at makaranas ng ganitong mapait na sitwasyon.
Kung may kapatid o kakilala kang ganito ang pinag-dadaanan please share this with them para makatulong ka sa kanila.
Here are my suggestions:
STEP 1- WRITE DOWN ALL YOUR DEBT
Do not even attempt to memorize kung kanino at magkano ang utang mo.
Minsan sa dami, hindi na natin maalala.
I-lista mo lang kahit gaano pa ito kahaba.
STEP 2. PRIORITIZE
I-rank mula sa highest to lowest interest ang utang- lalo na kung credit card bill ito.
Unahin i-settle ang pinaka -abot-kayang utang na may pinakamataas na interest.
You want to eliminate the item that’ s giving you the most pain.
Iba pa rin ang sense of accomplishment at relief kapag nalampasan mo na ito.
STEP 3. SELL OR DISPOSE A PRICEY ITEM YOU OWN
Sell a pricey item you own.
You may also try to talk to a close friend or relative and give them a good deal.
Yun nga lang, good deal para sa kanila pero medyo sad para sa iyo lalo na kung kailangan mong mag-benta ng palugi.
Wala masyadong options kapag kailangan mag-bayad ng utang.
STEP 4. BAYAD TIME NA!
Stick to the goal.
Make it happen.
Never use the money you set aside for paying debt for something else.
“Paying off debt is NEVER ABOUT THE AMOUNT. It is your WILLINGNESS to pay that ultimately counts.”
-Chinkee Tan, Top Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- Meron ka bang binabayaran na utang?
- Nagagawan mo ba ng paraan?
- Ano ang pwede mong diskarte para matapos na ang kalbaryong ito?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.