Gusto mo bang manalo sa buhay?
Hate na hate mo bang natatalo?
Hindi ka ba nakakatulog kapag natalo ka?
Aaminin ko mga kapatid, I am a highly-competitive person.
Kahit noong bata pa ako, kapag kailangang mag-team up for a game or activity in class, gusto kong sumama sa mga malalakas dahil ayaw na ayaw kong matalo.
Nahihirapan rin akong matulog dahil iniisip ko kung paano ako makakabawi.
Ang buhay ay parang sports, hindi tayo pwede laging panalo.
Mabilis magdiwang kung nananalo tayo, pero mahirap at matagal tanggapin kung natatalo tayo.
This is what I learned in life. It’s not about winning, but how, rather, we cope up with losing that matters.
Nagiging bitter ba tayo?
Nagtatanim ba tayo ng hatred at sama ng loob?
Namemersonal ba tayo?
Ang mahirap kasi, lalo na pagdating sa mga competitive na tao, ay hindi nila matanggap ang kanilang pagkatalo. Kaya naman, napakahalagang malaman natin ang ating motibo whenever we compete.
Why do you compete?
Para ma-challenge ka at galingan mo lalo?
Para ma-enjoy mo lalo ang ginagawa mo?
Para ma-excite ka?
Or baka naman you compete?
Para magpasikat?
Para mapahiya ang iba?
Para mapatunayan na magaling ka at sila ay hindi?
Para makaganti ka?
Para umaangat ka at lumubog ang iba?
Dahil inggit ka?
Dahil insecure ka?
Dahil nagseselos ka?
Let us check our motives.
Because at the end of the day, saan tayo humuhugot?
Sa tamang motivation ba o hindi?
Ito ba ay para makatulong sa iba o para makatulong sa sarili?
Gamitin natin ang tamang inspirasyon at tamang hugot.
Huwag tayong huhugot sa negative motivation, dapat sa positive lang.
Tandaan po natin, huwag nating tapakan ang ibang mga tao dahil lamang sa paligsahan.
Kailangan nating matutong magpakumbaba kapag nagwawagi.
Higit sa lahat, matutong tumanggap ng pagkatalo at huwag maging pikon kapag natalo.
At the end of the day, it is all about our motives.
No one can tell why we do the things that we do, but only we can tell the intention we hold in our hearts.
THINK. REFLECT. APPLY.
Pwede bang magtanong?
Ano ang motibo mo when you compete?
Ano ang reaksyon mo kapag ikaw ay natatalo?
–Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article help? You can also check on these related posts:
- TRYING HARD KA BA?
- WHY DO PEOPLE NEVER FULFILL THEIR DREAMS
- HOW TO AVOID JEALOUSY
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.