Isa ka ba sa mga nakikipag-unahan sa mall kapag may sale o bagong labas na produkto?
Madalas ka bang nauubusan ng budget dahil padalos-dalos ka sa pamimili nang wala sa oras?
Ang tawag dito ay IMPULSE BUYING. In other words, ito ang pag-purchase ng isang bagay na wala naman sa plano.
Bakit ba minsan, nagkakaroon tayo ng tendency of impulse buying?
LACK OF PLANNING
Na-experience mo bang mag-supermarket na walang listahan?
Ang dapat mo lang naman bilhin ay de-lata at itlog.
Pero paglabas mo, may bitbit ka nang chichirya, tsokolate, at inumin.
Gets mo ba?
Kapag wala kang plano o listahan, chances are, mapapabili ka nang wala sa oras.
LIVING IN STRESS
Alam niyo ba na kung ikaw ay nakaka-experience ng stress, mas mataas ang chance mo na mamili? Since you want to offset this negative feeling, bumibili ka ng damit para kumalma ka – kahit hindi naman ito kailangan.
FEELING IN OR IMPORTANT
Hindi ba masarap sa pakiramdam na meron ka kung ano ang uso?
- Bagong cellphone.
- Bagong look.
- Bagong damit.
Kaysa naman na ikaw ay magmukhang kawawa at luma dahil sa mga gamit mo…
Iba pa rin sa feeling na sikat ka at ikaw ang pinag-uusapan, ‘di ba?
LACK OF CONTENTMENT
Sometimes, we think na ang tanging makakapagpasaya lang sa atin ay mga materyal na bagay. Hindi tayo nasisiyahan at nakukuntento sa kung ano man ang meron tayo. So, every time we feel sad or alone, dali-dali tayong maghahanap ng paraan to ‘cure’ the feeling.
Buying without counting the cost can make us happy for the moment. Pero kapag lumipas na ang feeling and once na naluma na ito, we will just go back to the same old feeling and bibili na naman tayo.
It will just be a vicious cycle ng paggastos.
Kaya kapatid, next time, bago ka bumili ng kahit ano,
Isip-isip muna – kung ito ay IMPULSE BUYING lang or you are buying something because you really need it.
THINK. REFLECT. APPLY.
Tuwing kailan ka nagiging impulse buyer?
Bakit mo ito ginagawa o anong nagagawa nito sa’yo?
How can you satisfy yourself without the need to overspend?
====================================================================
Are you having a hard time saving money? Do you want to know the best ways to save money and how to save money fast? Are you willing to take money saving challenges so that you can manage your finances?
Become an Iponaryo this year and sign-up for Ipon Pa More event here,
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.