Ikaw ba ‘yung tipong ginagawa mo lang kung anong gusto mo?
Kahit na hindi makakabuti, may patakaran, o may limitasyon, hindi mo ito pinapansin?
Para sa iyo ba, dapat walang pumipigil sa gusto mo dahil naniniwala kang ikaw ay malaya?
“Bakit niya ako pipigilan kumain during office hours, eh nagugutom ako?”
“Huwag ka nga makialam! Kaya nga may freedom na tinatawag.”
“Bakit pa ginawang democratic country ito kung ang dami namang ipinagbabawal?”
At school, at the office, at home, or everywhere we go, masasabi nating binigyan tayo ng laya to say, choose, act, and decide on our own.
PERO, hindi pwedeng wala itong limitasyon o hangganan.
These boundaries instill discipline in us and allow us to control, pause, or stop – lalo na kung hindi maganda ang magiging epekto nito.
Imagine kung…
- Walang limit sa pag-inom ng alak.
- Walang tamang oras kung kailan papasok. Ang empleyado ang magdidikta kung kailan mag-uumpisa ang trabaho.
- Walang speed limit ang bawat sasakyan.
Naku po! ANG GULO NITO!
Sadly, some people want to exercise freedom without limits.
Ano ba ang signs na we are not using our freedom wisely?
FEELING PRIVILEGED
May kakilala ba kayong may self-entitlement?
Feeling nila, may karapatan sila sa lahat ng bagay.
Karapatan nilang magalit at laitin ang ibang tao, kaysa sila ang magkasakit dahil sa stress.
Karapatan nilang gumawa ng illegal na gawain, kaysa walang makain ang kanilang pamilya.
Karapatan nilang umiihi kahit saan, dahil magkakasakit sila sa bato kung hindi nila ilalabas ito.
Karapatan nila na magtapon ng basura kahit saan, sa halip na bumaho ang kanilang bahay.
Gets mo na ba ang point ko?
Kung iisipin natin ang ating sarili, lahat naman tayo ay may karapatan.
Ang tanong: ito ba ay makakabuti sa iyo, pero nakakasama sa iba?
TOO MUCH COMPLAINING
When we complain, we only see the negative side. Kung kaya’t, gumagawa tayo ng mga bagay na salungat – just to pacify what we???re currently feeling o pagtakpan ang gagawin nating mali.
“Tatambakan lang naman ako ng trabaho. A-absent nalang ako.”
“Nakakaasar ‘tong pila na ito. Sisingit na lang ako.”
“Ginagawa rin lang naman ito ng lahat, gagawin ko na rin.”
Ang mahirap lang dito, we make this as a lousy excuse to do what we want.
Kaya kapag nakalusot, we look for new things to complain about para makagawa na naman ng bagay na trip nating gawin at the moment.
FEELING VICTIM
“Ang laki ng problema ko. Sa inom ko na lang idadaan.”
“Ang hirap ng buhay namin. Tatanda na ‘ata kaming mahirap at walang silbi.”
“Ang dami kong utang. Hindi ko na alam kung saan ako pupulutin.”
Mga kapatid, itong mga pinoproblema natin ay may solusyon – kung marunong lang tayong maghanap ng paraan.
Ang mali kasi sa atin…may kalayaan man tayong magbagong-buhay, maghanap ng trabaho, at umahon sa kahirapan, pinipinili pa rin nating ikulong ang ating mga sarili and act as if aping-api tayo.
We are a victim at some point, yes. Pero kung pinili nating manatili sa ganitong estado habang-buhay, abuso na ang tawag rito.
Tandaan, God gave us the greatest power – free will.
However, not everything we want and choose to do is right.
Mayroon hangganan ang kalayaang ito.
Gaya nga ng sabi ni Lord, “Everything is permissible, but not everything is beneficial.”
THINK. REFLECT. APPLY.
Masaya ka ba na malaya mong nagagawa ang gusto mo?
Kapag ba may limitasyon, okay lang sa iyo o naiinis ka?
Paano mo gagamitin ang freedom na ito nang hindi umaabuso?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.