May mga pinoproblema ka ba ngayon?
Nakakalimutan mo na bang mag-slowdown because of too many things going on in your mind?
Kanino ka humuhugot ng lakas at inspirasyon during these trying times?
Kapag may mga pinagdadaanan tayo sa buhay, malaki man o maliit, we tend to take things too seriously – and sometimes, harshly.
Kaya nga minsan, napapasabi na lang tayo ng “ang sarap maging bata, walang kaproble-problema” kasi feeling natin, ang bigat ng dinadala natin bilang adults.
But then again, whatever our problems are, nasa harapan na natin minsan ang kasagutan to ease the pain and lighten our burdens – pero hindi pa rin natin makita.
Ha? Anong kasagutan?
MGA BATA. Why? The way they view things is truly something else. So pure, innocent, and perpetually positive na pwede nating gayahin at i-apply sa buhay.
Tulad ng ano?
THEY ARE WORRY-FREE.
May nakita ka bang sanggol na stressed?
Nag-aalala at depressed?
Natawa ka, noh?
Dahil wala pa akong nakitang sanggol na stressed.
Hindi nila pinoproblema kung ano ang kanilang kakainin at ang kanilang diaper.
Ano ang ginagawa nila? Umiiyak.
Ano ang ginagawa ng magulang?
Nagtitimpla ng gatas at pinapalitan ang diaper.
Hindi nag-aalala, hindi stressed ang mga sanggol.
Ito siguro ang isang magandang aral na kailangan nating tularan.
Huwag tayong mag-alala at mangamba sa kung anumang problema. Bakit? Dahil meron tayong isang Diyos Ama sa langit na hindi tayo iiwanan at pababayaan. Hindi tayo hahayaang magutom at tutulungan tayo sa panahon ng kagipitan, pagpapalain, at hindi tayo ipapahamak.
Kapatid, kung ikaw man ay may matinding suliranin at pinagdadaanan, panahon na para tularan natin ang pananampalataya ng mga bata sa kanilang magulang.
Wawakasan ko itong blog na ito sa pamamagitan ng pangako sa atin ng Diyos Ama.
Matthew 6:25-26
25 Therefore I tell you, do not worry about your life, what you will eat or drink; or about your body, what you will wear. Is not life more than food, and the body more than clothes? 26 Look at the birds of the air: They do not sow or reap or gather into barns ??? and yet your Heavenly Father feeds them. Are you not much more valuable than they?
THINK. REFLECT. APPLY.
When you have problems, mabilis ka bang mag-alala?
Ano ang matutunan mo sa mga bata?
Are you willing to trust God, the Heavenly Father?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
We hope this article brought light to you. Here are some other related posts:
- WHY WORRYING IS NOT GOOD
- Money Stressors: Worry
- PRACTICAL WAYS TO STOP LIVING IN FEAR
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.