May mga kilala ba kayong mahilig mang powertrip? Yun bang nabigyan lang ng konting katungkulan at kapangyarihan eh yumayabang na at nanggigipit pa ng ibang tao?
Halimbawa:
- Kapag nagpatawag ng meeting, after 2 hours pa kung dumating.
- Pinadalhan ka ng memo para lang pagtripan at kabahan ka.
- Ipinapagawa ka ng mga trabahong labas na sa job description mo tulad ng pagbili ng personal na gamit o pagkain.
- Pinapahiya ka sa harap ng mga kasama mo.
Ang tawag sa ugaling ito ay powerplay na kung saan nagkakaroon ng pang-aabuso sa “power” or authority na meron siya ngayon.
Bakit nga ba may mga taong ganito?
MAYABANG LANG
Mula sa isang posisyon na pareparehas kayo, umangat siya ng isa o ilang steps.
The promotion or advancement itself made him/her feel successful and fulfilled kaya gusto niya ito ipagbigay alam sa lahat by bragging about it o iparamdam sa mga tao sa paligid niya by powerplaying.
MAPANG-MATA
Ito yung mga taong may natatagong discrimination sa katawan. Para sa kanila:
“Boss ako, staff ka lang”
“Mas mataas ako sayo”
“Ako nagpapasweldo sayo”
“Kung hindi dahil sakin, wala ka dito ngayon”
Sila yung akala mo eh pagkalayo layo na ng narating. Hindi din sila marunong lumingon sa pinanggalingan dahil na obsessed na sila sa ideya ng pagiging mataas.
HINDI NAPAPANSIN O NABIBIGYAN NG ATENSYON
Kaya may mga taong nagpo-powerplay ay dahil hindi nila nakukuha yung atensyon na gusto nilang makuha bilang isang boss o tagapamuno. Yung gusto araw araw pupurihin, ico-congratulate, o papansinin yung narating nila.
“Sir ang galing mo talaga!”
“Kainggit ka naman!”
“Ang galing mo!”
Pero sadyang may mga taong hindi ganito, yung hindi masyadong issue sa kanila ang pag-angat ng isa or hindi big deal. Yung chill lang sila. Okay na yung naging masaya sila, sincere, and celebrated for a while with what happened, then they move on with their life.
NAIINGGIT
“Bakit may award ka tapos ako wala?”
“Yan? Excellent performer dito sa office?”
“Bakit siya kinausap ng CEO? Baka matuloy pa yung promotion niya ah”
Ito yung mga taong nakakaangat na pero naghahanap pa din ng pwede nila ikainggit sa iba imbis na matuwa sa success na natatamasa ng mga kasamahan nila. Kaya in return, pagtitripan niya ito para lang makaganti sa ibang paraan.
Ang powerplayer ay hindi marunong maging masaya para sa ibang tao at imbis na i-idolize nila at gawing inspirasyon yung taong yun, eh pinapairal niya ang crab mentality na kung saan hahatakin nya pababa yung feeling niyang humahabol o nakaka-angat na sa kanya.
THINK. REFLECT. REPLY.
Naging powerplayer ka na ba o naging biktima ng isang powerplayer?
Anong ginawa mo at bakit mo ito ginawa?
Paano mo i-aaproach ang mga ganitong tao sa magandang paraan?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.