Ikaw ba yung taong mabilis umayaw at sumuko sa mga hamon ng buhay?
Halimbawa:
- Nahirapan lang ng kaunti, titigil na
- Na-reject lang ng minsan, di na uli nag-try
- Bumagsak lang sa exam o na-challenge sa isang subject, lumipat na ng course
- Napagalitan lang ng boss, resign na kaagad
- Wala lang kinita ngayon o matumal ang sales, naisipan ng ipasara ang business
Bakit nga ba ang bilis sumuko ng ibang tao? Here are some reasons:
WALANG PASENSIYA
Sa panahon ngayon, nasanay tayong mabilisan ang lahat. Ang email, chat, text, tawag, o pag-research ay just one click away kaya hindi na nakagawian, natutunan, o naramdaman ng karamihan sa atin ang pagkakaroon ng pasensya at pangunawa sa mga bagay.
Tandaan niyo na lahat ay may katumbas na presyo in the sense na bago mo makamit ang gusto mo. Para yang banko na meron ka munang dapat ma-invest na oras, panahon, at experiences.
Walang nakukuha sa mabilisan lang.
LACK OF PREPARATION AND PLANNING
May nabasa ako noon na, “If you fail to plan, you plan to fail which is quite true for me dahil once na meron tayong goals, dapat iniisip din natin yung mga bagay na kailangan natin ihanda para makamit iyon.
Sa madaling salita, hindi ka pwede lumaban sa giyera na walang strategy at sandata the bigger the dream, the bigger the challenges, ika nga kaya hindi ka pwedeng sumabak ng basta basta.
Planning includes learning the process, identifying your strengths, weaknesses, opportunities, and alternatives just in case plan A doesn’t work.
LACKS DETERMINATION
Nag gi-give up tayo dahil wala tayong baon na determinasyon o yun bang inspirasyon to keep us going despite the barriers.
When something is difficult, disheartening, and unbearable, give yourself a break pero huwag kang aatras. Keep in mind that everything worth doing requires hardwork na susuklian naman ng success in the end. Kapit lang!
LACK OF FOCUS
There are two kinds of distraction.
One is what you call external distraction tulad ng facebook, instagram, email, or game apps. And yung isa naman ay internal distraction which can be found within ourselves tulad ng worry, fear, anxiety, or unbelief na nagiging reason kung bakit tayo nawawalan ng focus.
Lack of focus can make us give up easily kasi hindi ka fully committed sa goal mo at nahahati ang attention mo. Ngayon kung gusto mong makarating sa dapat mong puntahan, huwag mong hayaang ma-distract ka???focus and concentrate on ONE thing alone.
LACK OF OWNERSHIP
“Hindi naman sa akin yang project na yan eh”
“Hindi naman ako ang sasabit diyan kundi yung boss ko”
“Hindi ko naman pakikinabangan niyan, bakit ko papahirapan sarili ko”
Ang mali ng iba sa atin ay porket nautusan lang o feeling natin na hindi tayo masyado makikinabang, hindi natin ginagalingan at pinoprotektahan ito, therefore, madali tayo magsawa, madali tayo mag-give up dahil pakiramdam natin hindi naman ito sa atin.
Pero MALI ito, dahil kahit ano pa yan, we should learn how to stand up, own, take good care of what we currently have, and do whatever it takes to succeed. Maaring feeling mo hindi ito sayo pero malay mo, yan pala ang susi mo para maabot mo ang goals mo sa buhay.
THINK. REFLECT. REPLY.
Bakit mabilis ka sumuko?
Ano ang pwede mong motivating factor para huwag ka bumitaw?
Willing ka bang lumaban para sa pangarap mo?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article help you? Check on these other related articles:
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.