“Ano ba yang suot mo! Magpalit ka nga, ang baduy. Nakakahiya sa mga kamag-anak natin!”
“Bilisan mo nga maglakad, ang bagal mo. Iiwan kita diyan eh”
(Habang nasa mall kung saan madaming tao)
“Bayaan niyo yan, K.J. talaga yan kahit kailan”
(Habang kasama ang mga kaibigan)
“Oh! Anong mali sa ginawa ko? Bakit nahihiya ka na ba sa’kin?”
(Habang kaharap ang mga anak)
Naranasan mo na ba ang mabastos o mapahiya ng iyong asawa sa harap ng maraming tao, sa sarili ninyong pamamahay, o maski kapag kayo lang ang magkasama? Ano ang epekto nito sa iyo? Nagiging ugat ba ito ng away o hinahayaan mo na lang?
Being shamed in front of other people lalo na mga taong mahalaga sa buhay natin is one of the most embarrassing things that can happen. Ito ay maaari din makasira ng self-image, self-esteem, at confidence natin.
Dito ngayon pumapasok ang away ng mag-asawa at hindi pagkakaunawaan dahil nawawala na ang respeto sa bawat isa.
PAALALA SA MGA MISIS – Ang isa sa pinakamadaling pamamaraan ng pagkasira sa pagkatao at self-confidence ng inyong mister ay ang MAPAHIYA siya sa SA HARAP ng ibang tao. Kahit ito ay ginagawa sa harap ng inyong anak.
PAALALA SA MGA MISTER – Tayo ay tinawag ng Diyos upang PROTEKTAHAN at hindi PAGMALUPITAN; MAHALIN at hindi BASTUSIN; PAGSILBIHAN at hindi PAGMALABISAN; TINGALAIN at hindi MALIITIN ang ating asawa.
Kung meron kang hindi nagustuhan sa kanilang nagawa o nasabi, kausapin mo siya ng walang taong nakatingin o nakikinig. Iwasan po natin HIYAIN at MALIITIN ang ating asawa.
Sikapin natin siyang MAHALIN at RESPETUHIN.
Tatandaan na sila ang ating katuwang sa buhay. Kung ano ang ginagawa mo sa asawa mo, yan din ay babalik din sa iyo.
THINK. REFLECT. APPLY.
Ikaw ba ay napahiya na o minaliit ng inyong asawa?
O ikaw mismo ang gumagawa nito.
Ano ang pwedeng natin gawin para tayo ay magbago?
–Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article help you? You can also check on these related article to help strengthen your relationship:
- BUHAY NA WAGI SERIES: SURROUND YOURSELF WITH RIGHT RELATIONSHIPS
- Why People Fail In Relationships
- HOW TO DEAL WITH AN ABUSIVE SPOUSE (PHYSICAL OR VERBAL)?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.