Gusto mo bang maiwasan ang conflict sa inyong pamilya?
Natatakot ka ba na lumala ang conflict sa inyong pamilya kaya gusto mo itong agapan?
We are all created unique, hindi tayo pare-pareho kaya naman di nakakapagtaka if there are times when family members argue. May mga pagkakataon din na lume-level up ang arguments to the point na nagkaka-conflict na between family members.
Some family conflicts arise because of money, religious beliefs, political views, at marami pang iba. Minsan pa nga ay kahit simpleng pagde-desisyon kung saan mag-Christmas ay nagiging ugat pa ng conflict sa pamilya. While we cannot avoid these differences, we can manage or even avoid conflict that may cause huge problems sa ating pamilya. Here’s how.
AGREE TO DISAGREE
There will come a point when both parties need to settle down and agree to disagree. Lalong lalo na kapag nagkakainitan na sa both sides. Accept that everyone is entitled to their own opinion, na ang bawat isa sa atin ay may kanya kanyang pananaw at paniniwala na hindi basta basta mababali ng isang argumento. Sa ganitong paraan ay maiiwasan ang family conflict.
You don’t have to accept each other’s opinions. You only have to accept the fact that both of you have different viewpoints. Maaaring hindi iyon madali pero mas hindi madali ang magkaroon ng conflict sa isang pamilya.
KNOW THE NEGOTIABLE FROM THE NON-NEGOTIABLE
May mga ibang bagay na pwedeng pag-usapan at pagbigyan at may mga ibang bagay na hindi. Kung ang pinag-uusapan ay manloko o mandaya ng kapwa, hindi na dapat pag-isipan ito. Kung ang pinagtatalunan naman ay kulay o saan lang kakain o mamasyal, pwede naman siugro pagbigyan at hindi na dapat pag-awayan.
KNOW YOUR PRIORITIES
Kapag umiinit na ang ulo mo at feeling mo ay malapit ka ng sumabog dahil sa isa mong kapamilya, stop and think kung ano ba ang priorities mo. Uunahin mo pa ba ang pride at ego mo para lang mapatunayan na ikaw ang henyo at babale-walain mo na lang kung ang pamilya mo ay magkaroon ng malaking hidwaan? Mas nanaiisin mo ba na maging tama kaysa ang mai-tama ang sitwasyon ng pamilya mo?
Tulad ng sabi ko kanina, everyone is entitled to their opinion.
Oo, once in awhile healthy naman ang magpalitan ng kuro kuro o opinyon, pero ang magkaroon ng conflict sa pamilya ay hindi. Know your priorities and I hope na ang pamilya mo ang priority mo over whatever it is na ipinaglalaban mo.
THINK. REFLECT. APPLY.
To avoid family conflict, you should know how to:
Agree to disagree
Know the negotiable from the non-negotiable
Know what is your priority.
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
We hope you enjoyed this article. Here are a few more related articles on strengthening family:
- You Are a Team
- SA AWAY NG MAG-ASAWA, ANG MGA ANAK ANG KAWAWA
- Ano ang gagawin mo kung Nega ang Iyong Asawa sa Business na Gusto mong Pasukin?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.