Ano ang gagawin mo kung ikaw ay pinagkakaisahan? Paano maiiwasan ang bullying?
Stay Calm
There’s a saying that goes, “You can’t fight fire with fire.” Kung sila ay papatulan mo at gagamit ka ng galit, lalo mo lang sila bibigyan ng kaligayahan. Don’t fuel them up to give you a whack again.
Don’t Blame Yourself
Hindi ibig sabihin na kapag pinagkaisahan ka ay kasalanan mo na. May taong sadyang galit lang talaga sa ibang tao at mahilig mambully o masaya kapag nakakapanakit ng iba.
Blaming yourself for the cruelty of others is the worst torment.
Handle it Yourself First
It depends on how bad the bullying is, baka pag-isipan mo munang. I-handle ang sitwasyon ng hindi muna nanghihingi ng tulong sa iba. Kausapin mo ang mga taong laging umaapi sa iyo at itanong kung bakit nila ito ginagawa. Kapag hindi naman sila nagbago at palagi ka paring inaasar, panahon na siguro na humingi ka na ng tulong.
If bullying happens at work or in school, kung maari lng sana, iwasan ang daanan o lugar kung saan nandoon ang mga “bully”, iwasan mo na sila. Sa pamamagitan nito, tinutulungan mo ang iyong sarili sa pag iwas sa kanila. Pero kung talagang hindi maiwasang makasulubong mo sila, gumawa ka ng isang invisible wall na mag proprotekta sa iyo sa mga verbal na abuso o dinaman kaya ay ibaling mo sa iba ang iniisip mo para parang wala kang narinig or nakikita.
Block Them Out
As I always say in my seminar, “Stay away from negative people.”
Avoid them like a disease. Kung nasa FB or Twitter sila, panahon na sigurong i-unfriend or i-block mo sila. Bakit mo pa sila ina-accept sa FB kung alam mo palang hindi sila magdudulot ng maganda sa iyo. Block them or click the report button to ensure na hindi ka na nila guguluhin sa social media. Oh diba, hindi mo na proproblemahin na ma babash ka or mabubuly sa FB or twitter.
Ask For Help
Para maiwasan ang pambubully- ito ba ay cyberbullying or verbal, laking tulong ng pagsabi mo sa ibang taong nakakaintindi at makakatulong sa iyo na ikaw na ay nabubully. Makakahinga ka ng maluwang kapag may masabihan ka ng iyong problema. Talking to someone especially your family is important if you feel unsafe or frightened. Asking for help about your situation is not being weak or “giving in.” In fact, telling someone can take a lot of strength and courage. Huwag mong pahabain ang iyong stress at tuluyang malunod sa problemang dulot ng pambubully.
Maraming taong puwedeng makatulong sa iyo, mga kaibigan, iyong kapatid o mga magulang, guro, o counselors. Kung sa trabaho naman puwede kang dumulog sa inyong HR (human resource maanger) o sa inyong boss.
Be Positive
Maging positibo sa lahat ng aspeto ng buhay, laging isa-saisip na ang lahat ng iyong problema ay may hangganan at may katapusan din. At huwag din natin kalimutang tumawag sa ating Panginoon. Don’t ever ignore God’s help. Pray without ceasing. Always remember that God is not asleep. He sees you, hears you and can even feel your pains. Pray for your bashers and enemies. Ask God to touch the heart of those who cause you pain.
THINK. REFLECT. APPLY.
Ikaw ba ay nakaranas na ng pambubully? Sa trabaho ba? Sa School o sa social media?
Ano ang mga hakbang na ginawa mo?
Are you ignoring them or striving hard to prove that they’re wrong about you?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines who had his own share of being a victim of bullying when he was young. However, this only motivated Chinkee to toughen up and become better. Now, he specializes in topics such as personal development, dealing with relationships within family, friends, work and other people and financial management techniques to name a few. He continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines and being a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article help? You can also check out these other related posts on handling bullies:
- I WAS A VICTIM OF BULLYING
- Api-Apihan Ka Ba?
- BAKIT AKO PINAGTRITRIPAN?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.