Napahiya ka na ba?
Ito yung tinatawag natin na “AWKWARD MOMENT or EPIC FAIL!”
Sino ba ang gustong mapahiya?
I can still remember nung nagkamali ako sa recitation at talagang pinagtawanan at pinaglaruan ako ng mga classmates ko.
Dami pang nag-comment…
“Akala mo kung sinong matalino, mali naman sagot.”
“Wala namang alam yan, pa-impress lang yan sa teacher.”
I cannot erase the trauma I suffered from that moment. Mula noong nangyari yon, hindi na akong muling sumagot sa mga recitation. Minsan napapanaginipan ko pa ang pangyayaring iyon.
I thought I was a FAILURE!
Pero buti na lang, nakilala ko si Ginoong Francis Kong. Naniniwala sa akin at nagtiyaga at pinayuhan ako na hindi ako failure. Ito ay nagiging isang pagkakamali kung wala na akong gagawin at hindi na akong muling sumubok.
Because of that short pep talk, this is what I’ve realized.
I cannot allow the mistakes I committed in the past to dictate who I want to be in the future. Nang dahil doon sumubok ako muli. I tried to learn from my mistakes and tried my best to improve.
Who would ever thought, na ang dating hindi makasagot ng recitation ay humaharap na sa libong-libong tao araw-araw. Buti na lang may taong naniniwala sa akin at nagturo na kailangan kong biglang sa sarili ko ng pagkakataon na matuto sa aking pagkakamali.
My encouragement to you today is, kahit anong man ang nangyari sayo sa nakaraan, huwag mong hayaan na maging balakid ito sa pag-abot ng iyong mga pangarap.
“Never allow PAST mistakes to dictate your FUTURE”
-Chinkee Tan, Top Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- Naka-recover ka na ba sa iyong trauma?
- Or are you still carrying it until this very day?
- Today is the day, that you shall start all over again!
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.