Halos one month na tayong naka-quarantine and we do not know when this will be all over.
Kumusta ang pakiramdam mo?
Nag-aalala sa buhay mo at para sa mga mahal mo sa buhay?
Hindi ka ba makatulog?
Let me encourage you today with God’s Word from Proverbs 3:5-6,
“Trust in the Lord with all your heart and lean not on your understanding; in all your ways submit to Him, and He will make your paths straight.”
TRUST IN THE LORD
Mabigat ang salitang trust o pagtitiwala. Siguro ilang beses na tayong naka-encounter na nasira ang ating trust sa isang tao. Nasaktan tayo at nangako na magiging maingat na sa pagtitiwala sa iba.
Pero, ibahin natin ang Panginoon. If we really know God, we can trust Him because we know that He is a good Father. Ang mga ama dito sa lupa, they are not perfect. Maybe nasaktan nila tayo o hindi sila nakapag-provide nang sapat. Pero the Lord is our Heavenly Father. He is a perfect Father. He protects, He provides, and most of all, He loves. His love and mercy is all over His Word, lalo na when He sent Jesus to save us all from our sins.
Kaya sa panahon ngayon, let’s put our trust in the Lord. Magtiwala tayo na kahit hindi kagandahan ang nangyayari sa mundo natin ngayon, lahat ng ito ay may purpose. Hindi man natin maintindihan sa ngayon, pero our hearts can rest in the fact that the Lord is the Creator of everything and He holds the Universe. He knows what He is doing.
LEAN NOT ON YOUR UNDERSTANDING
Sabi sa Jeremiah 17:9, “The human heart is the most deceitful of all things, and desperately wicked. Who really knows how bad it is?”
Dahil deceitful o mapanlinlang ang puso, hindi dapat ito pagkatiwalaan. Naalala mo na isang episode pa lang ng Kdrama parang gusto mo na kaagad magka-jowa. Nakabasa ka lang ng isang post ng friend mo sa FB na taliwas sa paniniwala mo, parang gusto mo na kaagad makipag-away. Our emotions can get easily swayed.
Mabilis matakot ang puso. Mabilis masaktan. Kaya nga dapat huwag tayong mag-focus sa feelings o emosyon. Parating i-counter check sa isipan kung tama ba ang nararamdaman. Kaya nga nilagay ng Panginoon ang isipan na mas mataas kaysa sa puso so we can let our minds rule us and not our deceitful hearts.
GOD’S COMFORT
Obedience unleashes blessings. After ng instruction na pagkatiwalaan Siya and to surrender all to Him, God promises to make our paths straight. This can mean blessings in different forms. Maybe good finances, restoration of relationships, good health, o kung ano pa man. But I believe, if we put our trust and surrender everything to the Lord ngayong panahon na ito kahit full of uncertainties, He will protect us and higit sa lahat, He will comfort us.
Iyang takot at pangamba na nararamdaman mo ngayon dahil sa virus, that can go away if you would only learn to fully surrender your life to the Lord. That fear of what you will eat for the next days ngayong quarantine kahit na wala kang trabaho, surrender that to the Lord. He is the Ultimate Provider. That fear of what will happen next, surrender that to the Lord. He gives rest to the anxious heart.
Sa panahon ngayon na hindi mo alam ang susunod na mga kaganapan, there is one thing that you can do: Trust in the Lord with all your heart. And see how that will change your life and your perspective towards this crisis.
“Put your trust in Him. Lean on Him.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anong nararamdaman mo ngayong extended ang quarantine?
- Paano mo nilalabanan ang takot at pangamba?
- Ano ang panalangin mo sa Panginoon ngayong krisis?
————————————————————
WATCH THIS:
SA PAGSUBOK: TRUST IN THE LORD
https://youtu.be/8M47tR7siTM
For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.