Kumusta ang home quarantine natin?
Nabaliktad mo na ba ang buong bahay?
Naubos mo na ba ang mga K-drama series sa Netflix?
Nagsasawa ka na ba sa mukha ng favorite vlogger mo?
I understand you, Ka-Chink. Ang hirap talaga makulong sa bahay for a long period of time, lalo na kung hindi ka talaga likas na taong-bahay. Paano pa kaya ang kaibigan nating si Dora, The Explorer? For sure kating-kati na ang paa niya, gustong-gusto na gumala. Tignan natin kung saan-saan gumala si Dora kahit na naka-home quarantine.
EXPLORE KWARTO PRINSESA
Kain-tulog repeat na lang ba ang araw mo? Imbes na buong araw ka lang nakahilata at nagpapagulong-gulong sa kama, why not re-decorate your room? Oras na ring mag-agiw-agiw naman.
At dahil naglilinis ka na rin ng kwarto, isabay mo na rin ang bonding ng pamilya. Pwede mo sila turuan how to clean up their room and to organize their toys. Maaari ka ring mag-search sa YouTube ng easy DIY room decors para sabay-sabay kayong may arts and crafts session ngayong quarantine period. Malinis na ang kwarto, may new skill pa kayong natutunan.
EXPLORE NORTH KUSINA
For sure, favorite place mo ang kusina ngayong quarantine. Baka nga ang pang-one month n’yong food supply ay nauubos sa ilang linggo lang. Bago ka mapabayaan sa kusina at mag-gain ng quarantine weight, take this opportunity to have family time sa kusina. Pwede kayong mag-bonding ni hubby or ni wifey sa pagluluto. To make it more special, why not set up a romantic dinner.
Pero ang best part sa North Kusina ay ang sabay-sabay na pagkain ng pamilya. Bago pa magkaroon nitong Enhanced Community Quarantine, for sure busy tayong lahat. Madalas wala ng time para magkasabay-sabay sa hapag kainan. Ibalik natin ang dating tradisyon ng pamilyang Pilipino — ang sabay-sabay na pagkain sa hapag-kainan habang masayang nagke-kwentuhan.
EXPLORE SALA UNION
Kahit work from home ang marami sa atin ngayon, hindi naman pwedeng work all day long din. Take this opportunity to rest with your family. Kung mahilig kayong manuod ng movie, thank God for Netflix. Kung mahilig naman kayo sa music, then take this opportunity para mag-play ng instrument together, parang family band. O ‘di kaya kahit simpleng videoke session lang.
Pero ang pinakaimportante sa lahat, take this time to pray together as a family. Nakikita natin sa balita ang pataas nang pataas na bilang ng mga taong nagkakasakit. Ngayon ang tamang panahon para manalangin tayo at mas masarap dumulog sa Panginoon kung kasama ang pamilya. Sabi nga, “The family that prays together, stays together.” Let’s pray for our nation as one family.
“Mas marami tayong oras ngayon upang libutin at linisin ang ating tahanan. Isa ito sa magandang gawin upang mas mapangalagaan ang ating kalusugan.”
Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ano ang bonding n’yong pamilya ngayong quarantine period?
- Nagagamit mo ba ang oras para mapatibay ang pagsasamahan ng inyong pamilya?
- Anu-ano sa mga puntong nabanggit ang nais mong gawin sa iyong tahanan?
For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram:
https://www.instagram.com/chinkeetan
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.