Hindi mapagkakaila na ang kaganapan ngayon ay isa
sa pinakamalaking pagsubok na dumating sa buhay
nating lahat kahit saan pa mang dako ng mundo ka naroroon.
Kaya ito na rin siguro ang naging dahilan kung bakit
marami ang nabigla sa nangyayari dahil kahit ang
mga malalaking bansa ay naapektuhan ng sakit na ito.
Kaya ang tanong ng marami ay paano na nga ba tayo makaka-survive dito?
MENTAL HEALTH
Unang-una sa lahat we need to protect our mind.
Hindi lamang katawan ang kailangan nating palakasin.
Mahalaga na aminin natin sa ating sarili kung natatakot
tayo at saka natin ito ipagdasal sa Panginoon.
Hindi lamang ang sakit ang maaaring pumatay sa atin
kundi ang mismong takot at depression. Kaya naman,
mahalaga na mayroon tayong napagsasabihan na mga saloobin natin.
FOCUS ON SOLUTIONS
Nariyan na ang mga problema, pero hindi ibig sabihin
ay dapat dito na lamang tayo naka-focus.
Bigyan din natin ang ating sarili ng pagkakataon
na kumalma upang tayo ay makapag-isip nang maayos.
Matatapos din ang lahat ng ito.
Pagkakataon na ito upang makasama natin ang ating pamilya.
Maaari rin nating gamitin ang oras na ito para makapaglinis
ng ating tahanan o kaya magbasa ng mga magagandang libro
o manood ng mga palabas na mapupulutan ng aral.
Kailangan nating ibaling ang ating atensyon sa positibong bagay and
TRUST GOD
Huwag nating kalilimutan na kasama natin ang Panginoon sa laban na ito.
Manalangin tayo para sa isa’t isa at huwag nating hayaan na malunod lang tayo sa pangamba.
Gawin natin ang mga dapat nating gawin tulad ng pag-stay sa
tahanan at social distancing upang mahinto na rin mismo ang
pagkalat pa ng virus sa lugar natin.
Tandaan na
“Ang bawat pagsubok sa buhay ay nag-iiwan ng aral.
Kaya huwag mawalan ng pag-asa at laging magdasal.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY
- Anu-ano ang mga ginagawa ninyong pamilya upang mas maging productive ang araw ninyo?
- Paano ninyo sinusuportahan ang isa’t isa upang maging ligtas ang buong pamilya.
- Sinu-sino ang mga isinasama ninyo sa inyong mga panalangin sa panahong ito?
Watch this video:
Are You Worried About Your Financial Situation?
https://youtu.be/HJE8Bxil308
For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.