Kadalasan sa halip na maidagdag natin ang extra money natin sa ating ipon, nauuwi ito sa mga bisyo na hindi rin naman makabubuti sa atin.
Ang mga bisyo, gaya ng paninigarilyo o pag-inom ng alak, ay maaring magdulot ng sakit sa ating katawan. At hindi magtatagal, darating ang panahon na maari din nitong kainin ang kakaunti nating naiipon. Start a healthy lifestyle and start saving more!
Sa halip na sayangin natin ang ating pera sa bisyo na walang patutunguhan, bakit hindi na lang natin ito idagdag sa ipon natin? Malay mo sa pag-iipon ng barya o perang papel, makaka-ipon ka na ng 200k in a short period of time!
Narito ang ilan sa mga paraan kung paano mo tatapusin ang bisyo mo at simulan ang isang better ipon journey:
Planuhin ng Maigi ang ‘No Bisyo Challenge‘
Una sa lahat, change your mindset. Sa halip na waldasin ang iyong pera sa bisyo, idagdag mo na lang ito sa savings account mo.
Siguraduhing may ideya at diskarte ka sa gagawin mong challenge. Mahalaga rin na buo ang desisyon mo sa iyong gagawin para hindi masayang ang effort mo. Planuhing mabuti ang gagawing pag-iipon. At ang pinaka-importante, dapat buo ang loob mong i-let go ang bisyo mo para hindi ka ma-tempt na sirain ang alkansya mo.
Ang librong ‘My Ipon Diary’ ay makatutulong para bigyan ka ng tamang diskarte para masimulan mo nang tama ang iyong pag-iipon. Meron itong ‘Ipon Challenge’ para meron kang guide.
Ihanda ang Tamang mga “Tools”
Pagkatapos mong mag-desisyon na magsisimula ka ng mag-ipon, kailangan mong isaalang-alang ang mga tamang kagamitan. Sa likod ng librong ‘My Ipon Diary’, may nakalagay na sticker kung saan pwede mong ilagay kung para saan ang iyong ginagawang pag-iipon. At siyempre, kailangan mo ng lalagyan para sa pera mo. Pwede kang gumamit ng alkansya o kahit ng lumang bote.
Simulan na ang Ipon Challenge
I-execute mo ang iyong plano. Kapag may mga sukli kang barya, bente, singkwenta, o isang daan, itabi mo ito sa iyong lalagyan. Kung meron kang ‘Piso Planner’ pwede mong i-shade ang halaga na iyong itinabi. Maaring mahirapan ka sa simula pero unti-unti ka ring masasanay. Isipin mo na balang araw, magiging abot-kamay mo ang pinapangarap mong negosyo.
Patuloy mong punuin ang iyong isipan ng kaalaman tungkol sa tamang pag-iipon. May mga resources na maaring pumuno ng mga kaalaman mo. Habang nag-iipon ka, maari ka ring matuto kung paano mag-budget ng tama.
“Learn to let go of vices and say yes to savings.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
- THINK. REFLECT. APPLY.
- Anu-ano ang mga masasamang epekto ng bisyo?
- Bakit mahalaga ng pag-iipon?
- Ano ang mga maari mong itigil na bisyo para mas makapag-ipon?
—–
Watch: TINIGIL ANG BISYO, NAKAIPON NG PHP 200K!
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.