YEP, financial stress kung tawagin.
Ang sintomas?
Hindi makatulog, makakain
at hindi productive
dahil wala nang ibang maisip
kundi problema sa pera.
Bangungot levels ‘yan kapatid
Hangga’t hindi nasolusyunan.
Ayon sa isang survey
4 sa 10 Pinoy ang may utang.
Pumapangalawa ang Pilipinas sa Malaysia
sa ASEAN region sa mga bansang
mataas ang personal debt.
Hindi pa kasama sa bilang na yan
ang mga may binabayarang “mortgage”
o housing loan.
Ilan sa mga pinagmumulan ng stress
sa pera ay ang..
IGNORANCE
(Photo from this Link)
Alarm bells, kapatid kapag
HINDI ALAM ANG GAGAWIN SA PERA.
Bahala na si Batman ang peg.
Papasok sa hindi sigurado at hindi alam
kaya tuloy sa huli, tayo ang talo.
Yung perang pinaghirapan,
sinugal ng ganun-ganun na lang
kahit hindi pinag-aralan ng mabuti.
Kapag ignorante tayo
madali lang tayo maloloko
mabilis tayo pumatol sa kahit anong i-alok sa atin
At maabuso ng ibang tao.
GREED
(Photo from this Link)
Tao lang naman.
Paminsan-minsan nagiging sakim din tayo
aminin man natin o hindi.
Ganito ang mindset ng greedy:
“It will only be enough if I have more than what I have today.”
At kapag nakuha na ang MORE
maghahangad na naman
ng mas higit pa!
Having this greedy mindset makes us:
- Borrow money kahit hindi practical, walang pera, o resources
- Gamble para easy money
Want to know the truth?
Greed is not a money issue but an
issue of the heart.
Na sa sobrang pagmamahal natin sa pera
nagiging double G na tayo
GANID at GAHAMAN.
Do we really want that?
DISCONTENTMENT
(Photo from this Link)
Dahil nagco-commute, nainggit sa may kotse.
Nung nakabili ng second hand
gusto naman brand new.
Nung nagkaroon ng sasakyang brand new
gusto SUV.
Ay nako, never ending na!
Discontented people are never satisfied
with what they have.
Hindi para sa ikauunlad ng buhay
kundi dahil lamang sa inggit.
Acceptable pa sana if we do it
to better ourselves pero kung dahil lang sa inggit,
stress lang ang kababagsakan because we’re trying so hard to keep up.
“Panghawakan ng tama para sakit ng ulo at stress ay mawala!”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Bakit ka stressed sa pera?
- Alin dito ang pwede mo baguhin?
- Handa ka na ba kumawala sa stress?
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE:
“Season 1 Episode 1 of Diary of a Pulubi Series: Shopping Now Pulubi Later”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2zk5ksj
=====================================================
MONEYKIT BUY ONE TAKE ONE PROMO
2 Moneykits + 16 Books
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2yPyf6Z
Watch the video here➡➡ ➡ http://bit.ly/2gMHJZG
=====================================================
DIARY OF A PULUBI
BULK ORDER PROMO AVAILABLE
Get up to 50% OFF when you order “Diary of a Pulubi” in bulk today!
10 Books P750 / Free Shipping
20 Books P1,500 / Free Shipping
40 Books P3,000 / Free Shipping
Available NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2xZMhSi
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.