Minsan, sa kagustuhan nating kumita ng mas malaki, pinipilit nating pagsabay-sabayin ang ating mga binebenta maski hindi naman related sa isa’t isa.
Monday, pang paganda ang binebenta.
Tuesday, vitamins.
Wednesday, pagkain.
Thinking kasi natin, the more products we have on hand, the more customers that we will have.
While offering them a wide array of products, hindi naman ito maco-convert into bigger revenues just because madami at iba’t-iba ang binebenta natin.
Mali po ito. We need to keep in mind na kapag mala-chopsuey ang ating strategy sa pagbebenta, hindi malayong maging ganito ang eksena..
WE COULD LOSE OUR CREDIBILITY
(Photo from this Link)
Para kasi tayong namamangka sa dalawang ilog sa ganitong sistema.
Mahihirapan ang clients and customers to take us seriously lalo na kung mismong tayo, pabago-bago ang tinatangkilik padating sa mga produkto natin.
Para bang:
“Effective ito PERO okay din ito.”
“Try mo ito PERO samahan mo na din nito.”
Ano ba talaga, Kuya?
WE MIGHT LOSE FOCUS
(Photo from this Link)
It will be hard to market something that we don’t have focus on because one thing might not be applicable to the other.
Kung baga half-baked o hilaw lahat.
Hindi completely na-develop or tipong minadali.
Iba pa rin ang value of just focusing on just one product or category.
It clearly defines kasi the identity, specialization and equity of our business.
This will also allow us to introduce strategies and improvements na naka-tuon lang doon.
Klaro ang direction.
Walang distraction.
Kung napalaki na natin ang ating business at stable enough na ito stand on its own, saka tayo…
MAGHANAP NG DAGDAG PAGKAKAKITAAN
(Photo from this Link)
Again, walang masama magkaron ng multiple businesses.
Ang importante muna is to build one at a time before we proceed with the next.
Give it some time to grow, improve, and earn para walang mapabayaan.
“Distraction is the enemy of focus”
– Anonymous
THINK. REFLECT. APPLY.
- What are you currently selling?
- Alin sa mga ito ang kailangang bigyan ng focus?
- How are you planning to improve it?
====================================================================
WHAT’S ON YOUTUBE:
“What is Mutual Fund?”
Click here —> http://bit.ly/2xHEtpg <— NOW!
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.