Nasisi mo na ba si Lord sa mga maling bagay na nangyari sa buhay mo?
“Sobrang guilty ako diyan!”
Natanong mo na ba si Lord, kung may pinagdadaanan kang mabigat na problema?
“Of all people, why me?!”
Nainis ka ba kay Lord, na parang sinasadya ng tadhana na lahat na pwedeng mangyari hindi kanais-nais ay sabay-sabay na nangyayari?
“Guilty din ako diyan!”
I’m sure, minsan umabot na tayo sa punto na nagtanong tayo sa Diyos, “Bakit ka ganyan Lord? Kailan ba matatapos itong pagdurusa ko sa buhay? Hindi pa ba sapat ang pagdurusa ko para mabayaran ang aking mga kasalanan?”
Kung may pinagdadaanan ka at naghahanap ng kasagutan, please read on.
Bago natin tingnan yung mga negatibong nangyayari sa ating buhay.
Bakit hindi rin natin tanungin ang ating sarili sa mga mabubuting bagay na nagawa ni Lord sa atin.
Lord, bakit ka ganyan? Kahit maraming beses na kami nagkamali, hindi mo pa rin nagbabago? Love mo pa rin kami at handa kang magpatawad?
Lord, bakit ka gayan? Kahit matigas ang ulo namin, hindi ka pa rin umaayaw at iyong pagmamahal sa amin ay hindi nagmamaliw.
Lord, bakit ka ganyan? Kahit iniwan na kami ng aking mga kaibigan at mahal sa buhay, hindi mo pa rin kami pinababayaan.
Lord, bakit ka ganyan? Kahit kami ay makasalanan, kami ay iyong pinatawad kahit hindi pa kami humihingi ng pagpapatawad.
Lord, bakit ka ganyan? Kahit hindi kami tapat sayo, nanatiling kang tapat at binibiyayaan mo pa rin kami ng iyong pagmamahal at grasya.
Maraming, maraming salamat Lord na ganyan ka!
Kung hindi dahil sa iyo, matagal mo na kaming hinusgahan at tinakwil bilang iyong mga nilalang.
Mabuti na lang na ganyan kayo.
Dahil ang iyong pagmamahal sa amin ay hindi nababawasan at hindi nagbabago.
Dahil ang iyong grasya sa amin ay hindi natatapos, dahil ito ay bago araw-araw.
Dahil ang iyong pasensya sa amin ay hindi nauubos, dahil sa handa niyo kaming patawarin kung handa na kami humingi ng tawad sayo.
Lord, maraming salamat na ganyan po kayo!
THINK. REFLECT. APPLY.
Kapatid, may pinagdadaanan ka ba?
Minsan ka na bang, nagtanong, nasisi at nainis sa Diyos?
Ano ang natutunan mo sa blog na ito?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article help you? Here you can find some other related posts:
- Si Lord Ba Ang Iyong First Option or Last Option
- MAMAYA NA KAYA?
- SINO SI LORD SA BUHAY MO?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.