Single Blog

3 Signs To Know When To Let Go Of Your So-Called Friend

ANG KAIBIGAN AY INAALAGAAN AT HINDI INAABUSO

May mga kaibigan ka bang mapang-abuso?
Yung mabait at malambing sayo kapag may kailangan?

May mga kaibigan ka bang mapang-abuso?
Yung mabait at malambing sayo kapag may kailangan?

Sila na lang ang parating tama at ikaw ang mali.
Utusan ka most of the time at ginagamit ka parati for their benefit.

Ang tanong, kailan mo malalaman kung naabuso ka na ng ganitong klaseng mga kaibigan?

Ito ang ilan sa mga signs:

YOU START TO COMPROMISE

Ginagawa mo ang isang bagay na labag sa iyong kalooban. Meaning it???s against your conviction. Kahit nako-konsensya ka, ginagawa mo pa rin kasi you want to please your friend and you want your friendship to be intact. Kaya lang most of the time, sa huli mo na nare-realize na habang nagpapaka-selfless ka, namimihasa naman sila sa pagiging selfish nila. Bukod sa napapahamak ka na at nalalagay ka na sa alanganin, nawawalan ka na rin ng inner peace.

BROKEN PROMISES

Parati nalang napapako ang kanyang mga pangako. Palagi ka niyang pinapa asa. Tumutupad lang siya sa usapan kung makakabuti ito sa kanya. Effort ka ng effort tapos sa ending, ikaw pa itong ???nganga???. Hindi siya dependable at lalong hindi mapagkakatiwalaan kasi wala siyang word of honor. Kapag umaasa ka at nagtiwala ka sa ganitong klaseng tao, siguradong mapapahiya ka.

NEVER BELIEVES IN YOU

Parati ka nalang minamaliit. Imbis na siya ang maging source of encouragement and inspiration mo, dahil kaibigan mo siya, siya pa itong numero unong walang bilib sa iyo. Ang masakit pa dito, bukod sa wala na siyang bilib sa iyo, panay pa ang pamimintas sa iyo.
Kung patatagalin mo pa ito, baka mabura na lahat ng self-confidence na meron ka.

Hindi masama magkaroon ng maraming kaibigan. Wala ring masama kung palakaibigan ka. But you have to choose your circle of friends wisely, because these people will surely have an impact in your life. They can either build you up or bring you down.

If these 3 signs exist in your relationship with your friends, mag-isip-isip ka na. Masakit man sabihin pero hindi mo talaga sila tunay na kaibigan. Ang tunay na kaibigan ay kabaligtaran ng lahat ng ito.
A true friend will not lead you to sin by compromising your conviction.
A true friend will fulfill all his/her promises, and won???t let you down.
Higit sa lahat, a true friend will uplift you, believe in you, bring out the best in you and inspire you.
If you finally found a true friend, treasure him/her because true friends are hard to find.

THINK. REFLECT. APPLY.

Anong klaseng mga kaibigan ang nakapaligid sa iyo ngayon?
Are you a true friend to someone?
How do you nurture your relationship with your true friends?

Comments (0)

© Copyright 2016 - Team Chink Positive - All Rights Reserved Designed By LGA
GET YOUR VIDEO NOW!

Enter your email address below and we'll send you your video through your email.
GET ME THE VIDEO!
We promise we will never spam you. We hate spam
close-link

Get Coached by Chinkee Tan From Wherever You Are!

DOWNLOAD THE APP NOW!
close-link