Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • FREE Resources
  • Videos
  • Invite Me

3 CHARACTERISTICS OF A TOP SALES PERSON

February 11, 2017 By Chinkee Tan

It may not be common knowledge to everyone that I am a motivational speaker in the Philippines, but I have actually  been in the industry of selling for over 40 years. (Hulaan niyo na lang kung ilan taon na ako ngayon? HAHAHA!)

 

Para sa akin, getting into sales is very rewarding lalo na kung papasukin mo ito bilang profession. Ang kikitain mo kasi ay naka-depende sa effort and output na nabibigay mo. Kung mas masipag ka at mas productive, mas malaki ang take-home   mo. You are well compensated sa effort, time, and resources na ilalaan mo.

 

Selling has changed my financial life and helped me build my dreams. Gusto mo rin ba mabago ang financial life mo? Napag Isipan mo na bang pumasok sa sales?

 

If you are considering it as an alternative income or profession, allow me to share with you 3 CHARACTERISTICS OF A TOP SALESPERSON:

 

Table of Contents

Toggle
  • HINDI SILA NAGREREKLAMO KAHIT MALIIIT ANG KITA
  • HINDI SILA TUMITIGIL
  • HINDI SILA PANGHIHINAAN NG LOOB
  • THINK. REFLECT. APPLY

HINDI SILA NAGREREKLAMO KAHIT MALIIIT ANG KITA

Kahit barya lang ang kita, ito ay pinapatulan at hindi inaayawan, walang silang sinasanto.

 

Dahil alam ng mga magagaling sa sales, lahat na lumalaki nag-uumpisa sa maliit.

 

Kaya may mga ibang nahihirapan, kapag maliit lang ang tubo ayaw na nilang patulan. Gusto ng iba, one-time big-time agad. Walang successful person na nangyari overnight o agad-agad.

 

Kahit si Manny Pacquiao, Lucio Tan at Henry Sy, nagsimula sa maliit. Kaya magreklamo sa maliit na kita. May kasabihan nga ang mga Tsinoys, “Kahit patak-patak lang ang kita, darating ang panahon, mapupuno din ang batya.”  

 

HINDI SILA TUMITIGIL

Persistence is the key.

 

Alam ng magagaling sa sales na kahit gaano sila kagaling at kasipag sa umpisa, pero kung hindi nila ito tatapusin, lahat ng pagod nila ay mababalewala.  Kailangan tapusin kung ano man ang naumpisahan. Kahit sila ay mabigo, ma-reject, ma-indian, mapagtawanan o makutya. Kahit anong mangyari, kahit anong maranasan nila, sige lang ng sige.

 

Tuloy-tuloy lang.

 

Tulad nga ni Miss Pia Wurtzbach, kahit tatlong beses siya nabigo at na-reject, hindi siya tumigil. Kaya siya ang nagwagi last year sa Miss Universe. Just like the old saying goes, “Winners never quit and quitters never win.”

 

HINDI SILA PANGHIHINAAN NG LOOB

Kahit anong lakas ng iyong loob, dumarating sa punto na lahat ng mga nasa sales ay pinanghihinaan ng loob. May mga araw  na parang gusto na nilang umayaw!

 

Marami na kasing rejection.

Marami na muntik na bumili pero hindi natutuloy.

Yung pabili na nasulot pa!

O minsan, pinautang pero hindi naman nagbayad!

 

Ang isa kong napansin kahit sila man ay nalugi o sumablay ng diskarte, lalo silang tumatapang at nagagalit at nais patunayan na kakayanin nila ito. Imbis na panghinaan ng loob, they ask themselves, “Ano ang natutunan ko sa aking pagkakamali, para hindi ko na ito ulitin muli.”

 

Sa pagkakadapa nila, bumabangon sila muli.  They do not allow mistakes to become stumbling blocks. Instead, they use those mistakes as stepping stones to success.

 

“Do not allow mistakes to become stumbling blocks. Instead, use those mistakes to guide you in your journey to success.”

-Chinkee Tan, Motivational Speaker Philippines

 

THINK. REFLECT. APPLY

  • Ikaw ba ay nagmamadaling yumaman?
  • Or willing ka mag-umpisa kahit maliit ang kita?
  • Ikaw ba ay madaling umayaw tuwing napanghihinaan ka na ba ng loob? O Ikaw pa rin ay lalong tumitibay at lumalaban?
  • Ano-ano na ang mga efforts na nagawa mo to reach your goals?

 

 

 

Chinkee Tan

Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.



Submit a Comment



Filed Under: Challenges, Motivational, Personal Development, Sales Tagged With: Chink Positive, Chinkee Tan, Philippines Top Motivational Speaker, Positive Thinking, Selling Saturday

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines April 19, 2024
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update) April 19, 2024
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity April 19, 2024
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines April 19, 2024
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024 March 1, 2024
  • LET GOD April 12, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update)
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024
  • LET GOD

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2025 · chinkeetan.com · Team Positive Inc.