Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

BRIGHT SIDE

April 9, 2020 By chinkeetan

Ang daming ganap sa buhay natin ngayon. Lahat tayo ay apektado dahil sa pandemic na ito. Buong mundo ang sinubok ng matinding sakit na ito.

Pero sa kabila ng mga ito, ano nga ba ang naidudulot ng kaganapan na ito?

IT MADE US STRONGER

“Hindi ko na ata kaya.”
“Wala nang pag-asa ito.”
“Mamamatay na ata kami.”

Ilan lamang ito sa mga maririnig natin sa ibang mga tao. Kaya naman, mahalagang siguraduhin nating malakas ang ating isipan at loob. Hindi lamang labanan ng pisikal ang usapan dito.

Kaliwa’t kanan din ay sinusubok ang ating mental at emosyonal na lakas. Kaya iparamdam natin kahit sa simpleng pakikinig na tayo ay magkakaramay na lumalaban para maka-survive sa panahong ito.

IT MADE US WISER

“Pagkatapos nito, sisimulan ko na ang emergency fund.”
“Aalisin ko na ang mga bisyo ko. Mag-iipon na lang ako.”
“Babawasan ko na ang mga malalaking gastusin na hindi naman kailangan. Uunahin ko na ang needs.”

Ang mga pagsubok ay nagiging daan upang mas matuto tayo at mas magkakaroon tayo ng malinaw na direksyon sa kung ano ang mahalagang gawin habang tayo ay nabubuhay.

IT MADE US CLOSER

Nagiging malapit din tayo sa mga taong mahal natin at mga taong maaaring hindi natin napahahalagahan, ngayon ay mas nabibigyan natin ng halaga ang kanilang ginagawa para sa atin.

Mas napalalapit din tayo sa ating Panginoon. Alam natin na sa kabila ng mga pagsubok na ating nararanasan, hindi Niya tayo pinapabayaan. Kaya naman, huwag lang tayo mag-focus sa mga problema…

“Look at the bright side.
Try to look at positive things and find solutions.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Anu-ano ang mga babaguhin mo sa buhay mo simula ngayon?
  • Paano mo pag-iipunan ang iyong emergency fund?
  • Gaano kalakas ang iyong paniniwala sa pagmamahal ng Panginoon?

——————————————-

Watch this video:
ANO ANG GAGAWIN MO KAPAG IKAW AY GULONG-GULO!

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/



Submit a Comment



Filed Under: BRIGHT Tagged With: Chink Positive, Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Diary of a Pulubi, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Ipon Diary, ipon kit, moneykit, Motivational Corporate Trainer, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker Philippines, My Ipon Diary, Pulubi

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.