Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

Si Earl (Early Bird na, Masipag Pa)

April 2, 2020 By chinkeetan

Day 18 na ng Enhanced Community Quarantine. Kumusta ka Ka-Chink? Kumakapit pa o may cabin fever na? Productive pa ba o nag-Tiktok na? Sa mga ganitong panahon na wala tayong pwedeng puntahan at buong araw lang tayong nasa bahay, gayahin natin si Earl. Early bird na, masipag pa. Maaga gumising para simulan ang araw at ginagamit sa tama ang oras para hindi maburo sa bahay. Ano ba ang ginagawa ni Earl?

BE FIT AND HEALTHY

Dahil hindi ka makalabas ng bahay, kain-tulog repeat na lang ang buhay. Para naman hindi ka lumobo pagkatapos ng quarantine period, magandang simulan ang iyong araw sa exercise. Walang gym? Don’t worry, mag-YouTube gym muna. Maraming fitness videos online na pwedeng mong sabayan. Marami ring fitness apps sa phone para naman magkaroon ng variation ang workout mo.

At dahil limited lang ang access mo sa fast food chain ngayon, now is the time to be healthy. You have all the time in the world to cook healthy and delicious meals. Na-enjoy mo na ang lutong-bahay, napalakas mo pa ang resistensya mo. Mas malaki ang chance na maiwasan ang virus by becoming fit and healthy every day.

DO GENERAL CLEANING

Dati parati kang nagre-reklamo na you do not have time to clean up. Sobrang busy. Pwes ngayon, wala kang choice kung hindi maglinis dahil buong araw kang nasa bahay. Sabi ni Pangulong Duterte, baka may mga lugar pa sa bahay natin na hindi pa natin napupuntahan. Baka naman din may lugar pa sa bahay natin na hindi pa napupuntahan ng walis. Kaya take advantage of this quarantine period. Baliktarin mo na ang iyong bahay and do general cleaning. Iwas bagot na, na-sanitize mo pa ang iyong tahanan.

LEARN AND RELEARN

Ito ang best part sa quarantine period. May time na tayong lahat para aralin ang mga bagay na hindi natin akalaing maaaral pa natin. Hindi na excuse ang walang time to learn and relearn. What is that thing that you really want to learn? Stock market? Music? Cooking? Makeup? Carpentry? Gardening? Sulitin natin ang quarantine period para matuto ng mga bagong skills o matuto muli ng mga nakalimutang skills. Huwag ding kalimutang magbasa-basa kahit isang oras kada araw. Marami kang matututunan sa pagbabasa kaysa ubusin mo ang buong araw sa pag-ubos sa catalogue ng Netflix at mga cat videos sa YouTube.

Importante sa panahon ngayon na magkaroon tayo ng daily routine para mayroon tayong sense of organization and for our sanity na rin. Si Earl na early bird ay sinisimulan niya ang kanyang araw nang maaga para mag-exercise at magluto ng healthy meals. ‘Di lang early bird si Earl. Masipag pa siya dahil may oras siya araw-araw na magwalis-walis man lang. At sa siesta hours, imbes na tumulala ay nagbabasa siya ng mga libro pati na mga online books.

Sa panahon ngayon, tayo’y maging early bird at masipag. Be like Earl.

“Ito na ang panahon upang magsipag at hindi magsayang ng oras.
Huwag tayong maging Juan Tamad na nag-aantay lang na bumagsak ang prutas.”
Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Anong pinagkakaabalahan mo ngayong quarantine?
  • May daily routine ka ba?
  • Anu-ano ang mga nais mong aralin ngayon na marami ka ng oras?

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram:
https://www.instagram.com/chinkeetan



Submit a Comment



Filed Under: Earl Tagged With: Chink Positive, Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Diary of a Pulubi, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Ipon Diary, ipon kit, moneykit, Motivational Corporate Trainer, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker Philippines, My Ipon Diary, Pulubi

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.