Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

SI G.G. (laging Gutom na Gutom)

April 1, 2020 By chinkeetan

Ang iba sa atin, pang isang buwan na ang pinamili sa grocery para sa pamilya dahil naka-quarantine ngayon. Kaya kailangan i-badyet nang tama ang mga pinamili para magkasya ang pagkain.

Kung hindi ito ang nakasanayan, mahalagang kausapin ang bawat myembro ng pamilya para walang masayang na pagkain at umabot ng isang buwan ang mga pinamili.

Narito ang ilan sa mga tips:

MAGLUTO NANG SAPAT AT HUWAG LABIS

Kung nasanay kayo na laging dalawa o tatlo ang ulam, sa puntong ito, kailangan nang bawasan ito at magluto lamang nang sapat o pwede naman pangtanghalian hanggang panghapunan na.

Kilala tayong mga Pinoy na mahilig sa pagkain. Bonding nga ng bawat Pilipino ay sa kainan ‘di ba? Pero mahalaga na maging praktikal at wais sa pagluluto ngayon.

HUGASAN ANG KARNE AT ILAGAY SA FREEZER

Sa karne naman, dahil mainit na ang panahon, mas madaling masira ang mga ito. Kaya naman siguraduhing mailalagay ito sa freezer. Huwag laging buksan nang buksan ito upang manatili ang lamig sa freezer.

Kapag may pinalambot na karne, huwag na itong ibalik sa freezer uli. Siguraduhing lutuin na ito agad. Maaari namang gisahin muna ito at saka na lamang initin.

KUMAIN KUNG TALAGANG GUTOM

Yes. Hindi dahil marami kayong nakikitang pagkain ngayon eh sige lang, bukas dito bukas dun. Turuan din natin ang ating mga anak na unawain ang sitwasyon ngayon.

Breakfast, lunch, dinner. Yan lang muna tayo. Siguro pwede rin na may merienda, pero iwas na muna sa morning snack tapos may midnight snack pa. Hahaha!

Mahirap kasi kapag labas tayo nang labas dahil baka kung ano ang masagap natin at maiuwi pa sa ating pamilya. Kailangan magtulungan tayo upang malampasan natin ang mga ito at mabalik sa normal ang lahat.

Hindi ibig sabihin na marami kayong pinamiling
grocery eh dapat nang maubos lahat yun.
Tandaan, naka-quarantine tayo kaya
hinay-hinay sa pagkain. Mag-tubig ka na lang
kung nagugutom ka na naman ngayon.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Anu-ano ang mga lutuin na hindi madaling masisira ang pagkain?
  • Paano ninyo ninabadyet ang inyong pagkain ngayon?
  • Nauunawaan ba ng lahat ng myembro ng inyong pamilya ang sitwasyon na mayroon tayo ngayon?

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/



Submit a Comment



Filed Under: G.G Tagged With: Chink Positive, Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Diary of a Pulubi, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Ipon Diary, ipon kit, moneykit, Motivational Corporate Trainer, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker Philippines, My Ipon Diary, Pulubi

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.