Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

THINK POSITIVE

March 16, 2020 By chinkeetan

Sa negosyo, hindi maiiwasan ang mga pagsubok. Tandaan lamang na lahat ay may pag-asang umahon mula sa pagkalugmok.

Grabe! Maraming negosyo ngayon ang apektado dahil sa pandemic na sakit at lock down. Marami rin tayong mga kababayan ang talagang nahihirapan na sa mga gastusin.

Apektado rin ang mga manggagawang Pilipino sa ating bayan lalo na ang mga arawan ang sweldo. Kaya naman naisipan kong gawan ito ng blog dedicated para sa ating mga kababayan.

MAGING RESPONSABLE, HUWAG MAGING PASAWAY

Ang mga pinapag-utos na gawin sa atin ay kailangan nating sundin at gawin. Ito ay isa lamang sa mga responsibilidad natin bilang mamamayang Pilipino.

Kung hindi naman talagang kailangan umalis, manatili na lamang sa loob ng ating tahanan upang makaiwas sa sakit at hindi na makadagdag pa sa pagkakalat ng sakit.

MAGING MAALAM, HUWAG MAGPADALA SA MALING BALITA

Kaliwa’t kanan ang balitang ating natatanggap. Ngunit ating tandaan na kailangan nating maging mapanuri sa ating mga nababasa. Mahalagang tama at totoo ang ating pinapasa sa ibang mga tao upang hindi na makadulot ng pangamba sa ating kapwa.

Maganda rin na magtulungan tayo na palakasin ang ating pananampalataya upang mas tumatag ang bawat isa sa atin. Kailangan natin alamin ang katotohanan upang mas makapag-isip tayo nang maayos.

MAGING MATATAG, HUWAG PANGHINAAN NG LOOB

Alam kong maraming nawala sa ating lahat. Kahit ako ay apektado dahil marami sa speaking engagements ko at pati na rin sa mga orders ng libro ko ang bumaba o nabawasan ang sales.

Pero kailangan nating harapin ito. Gawin nating aral ito upang hindi na maulit ang mga nangyayaring ito sa atin. Mahalagang maging positibo pa rin tayo. Huwag nating hayaang mawalan tayo ng tiwala sa ating sarili at sa ating Panginoon.

Tandaan:

“Sa negosyo, hindi maiiwasan ang mga pagsubok. Tandaan lamang na lahat ay may pag-asang umahon mula sa pagkalugmok.”

–  Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY. 

  1. Kumusta ang inyong kalagayan ngayon?
  2. Anu-ano ang mga aral ang natutunan mo sa panahong ito?
  3. Kanino ka kumukuha ng lakas upang makayanan ang mga pagsubok na ito?

Watch this video:

This Will Brighten Your Day, Your First Million, Paano Makukuha?

Click here: https://youtu.be/0nN_-UpdvhA

Sali na sa “JUAN NEGOSYANTE: Negosyo Now! Asenso Later!” Online course and learn how to build your business from scratch. Ito pa, may ONE YEAR ACCESS pa! You can watch it anytime, anywhere for P799!

Click here to reserve your slots: https://lddy.no/8var 

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts: 

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/

YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/ 



Submit a Comment



Filed Under: Financial Literacy, Money, Motivational, Personal Development

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.