Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

INVESTMENT FOR BEGINNERS

March 4, 2020 By chinkeetan

Hindi lamang pera ang kailangan nating i-invest para umasenso. Kailangan din itong haluan ng tamang diskarte at mabuting ugali.

Kapag nagsimula na tayong kumita ng sariling pera, kadalasan ay nao-overwhelm tayo sa paggastos at soon, nagiging lifestyle na ang overspending na iyon.

Hindi natin agad naiisip ang iba pang bagay na pwede pa natin magawa sa perang kinikita natin, bukod sa gastusin lang ito nang gastusin hanggang sa mabokya ang laman ng wallet hanggang sa susunod na sweldo.

Pero hindi pa naman huli ang lahat para mag-ipon ka at i-invest para sa iba pang source of income ang pera mo. Kahit hindi ka masyadong maalam sa investments, o totally wala ka pang alam, you can still start your investments basta…

DO YOUR RESEARCH

Ang daming investment 101 modules na pwede mong basahin o panoorin online para sa mga beginner investors, kabilang na rin dito ang aking REAL ESTATE 101.

Alamin mo kung ano ang mga do’s and don’ts ng investments, magkano ang kailangan mong i-invest at magkano ang kikitain mo mula rito, saan magandang mag-invest, at ano ang mga risks dito.

Investing can be a bit complicated, lalo na sa mga beginners. Pero once na magkaroon ka ng sapat na kaalaman dito, siguradong magiging smooth na ang mga susunod na steps mo.

INVEST ON REPUTABLE COMPANIES

Hindi porke mura at sinabing low risk, ay okay ang investment. Investing is always a risk, kaya kung magri-risk ka, doon ka na sa siguradong kikita ka nang malaki dahil sigurado ka sa background ng kumpanyang pag-iinvestan mo.

BE DISCIPLINED

Isang golden rule sa buhay na kung gusto mong maging tunay na successful sa buhay, kailangan maging disiplinado ka. 

Ganun din sa iyong finances, especially kapag nagsimula kang mag-invest. Alamin kung ano ang worth the risk. At huwag kang basta-bastang gagawa ng desisyon na maaaring magpalugi sa investment mo.

Kapag kumita ka na nang malaki sa investment mo, i-invest mo rin ang perang kinita mo sa iba pang company. Para nanganganak ang perang kinikita mo. Huwag mo basta bastang ginagastos ang mga perang kinikita mo. Always find a way to make your money work for you.

“Hindi lamang pera ang kailangan nating i-invest para umasenso. Kailangan din itong haluan ng tamang diskarte at mabuting ugali.”

– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

Watch my Youtube video:

Best Investments For People Who Do Not Know How To Invest with Super Bianca

https://youtu.be/WRuaKrETjOg

THINK. REFLECT. APPLY.

  1. May iba ka pa bang source of income bukod sa trabaho mo ngayon?
  2. Paano mo napalalago ang perang kinikita mo?
  3. Saan mo pa maaaring i-invest ang perang kinikita mo?

ARE YOU READY TO EARN PASSIVE INCOME FROM REAL ESTATE?

Introducing: Real Estate 101

Register Now for only 799!

Click here https://lddy.no/cvyq

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts: 

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/

YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/ 



Submit a Comment



Filed Under: Finance, Financial Literacy, Motivational Tagged With: Chink Positive, Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Diary of a Pulubi, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Ipon Diary, ipon kit, moneykit, Motivational Corporate Trainer, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker Philippines, My Ipon Diary, Pulubi

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.