Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

PAANO AASENSO ANG BUHAY MO?

January 22, 2020 By chinkeetan

Hindi sapat na gusto nating umasenso. Kailangan ay alam nating simulan ang ating plano.

Marami ka bang plano pero puro plano na lang at wala namang sinisimulan?

Hanggang kwento na nga lang ba ang plano mo?

Bakit hindi ka pa nag-uumpisa magnegosyo?

Ilan lamang ito sa mga tanong ko sa inyo mga Iponaryos! 2020 na at kung may naiisip kayong negosyo, this is the best time to start it!

So bakit mo nga ba kailangan simulan na ang negosyo?

YUNG KITA MO BA NGAYON AY KAYANG SUPORTAHAN ANG PAMILYA MO 5-10 YEARS FROM NOW?

Kung sa tingin mo hindi rin tumataas at umaasenso ang buhay n’yo kahit may trabaho ka pa, ito na ang panahon para simulan mong gumawa ng sarili mong pangalan.

Hindi mo agad iiwan ang trabaho mo, pero tuwing off mo or free time mo, maghanap ka ng mga bagay na maari mong pagkakitaan na hindi makasisira sa trabaho mo.

Pag-aralan mo nang mabuti at alamin mo ang pasikot-sikot ng negosyo hanggang matutunan mo kung paano ito i-manage at i-market sa ibang mga tao.

MASAYA KA BA NA MAKASAMA SA TRABAHO ANG MGA KASAMA MO NGAYON 5-10 YEARS FROM NOW?

Kung lagi kang nai-stress sa mga katrabaho mo at ibang mga tao sa paligid mo, then think again.

Walang perpektong workplace at environment. Laging mayroong problema at stress pero kung to the point na hindi na healthy ang work environment mo at nagiging sanhi ng pagkakasakit mo, it’s time to look for new venture.

Kumbaga kung karpentero ka ngayon, hindi naman pwede na habang buhay kang karpentero dahil tatanda ka rin. Kailangan na matutunan mo kung paano na bumuo ng sarili mong grupo.

MASAYA KA NA BA SA GINAGAWA MO NGAYON?

Sa tingin mo ba ito na talaga ang calling mo? Do you think that you serve your purpose to others?

Siguro kung nagsisimula ka pa lang magtrabaho, kung newly grad ka pwede ka pang sumubok  ng iba’t ibang trabaho.

Pero kung nasa 30’s ka na, I highly suggest that you really have to find a stable career. Simulan mo na ang sarili mong negosyo at gumawa ng sarili mong trademark.

Dahil tandaan:

“Hindi sapat na gusto nating umasenso.

Kailangan ay alam nating simulan ang ating plano.”

– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY. 

1. Anu-ano ang mga naiisip mong plano para sa negosyo mo?

2. Saan ka magaling at paano mo ito magagamit sa negosyo?

3. Magkano ang target financial goal mo ngayong taon?

Watch my YouTube Video here:

Paano Aasenso Ang Inyong Buhay Panoorin Mo To

https://youtu.be/sSJZos30iTY

Sali na sa “JUAN NEGOSYANTE: Negosyo Now! Asenso Later!” Online course and learn how to build your business from scratch. Ito pa, may ONE YEAR ACCESS pa! Check it here: https://lddy.no/8var

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/

Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/



Submit a Comment



Filed Under: Finance, Inspirational, Motivational, Personal Development, Positivity Tagged With: Chink Positive, Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Diary of a Pulubi, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Ipon Diary, ipon kit, moneykit, Motivational Corporate Trainer, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker Philippines, My Ipon Diary, Pulubi

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.