Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

‘DI NA NATAPOS?

January 14, 2020 By chinkeetan

Mahirap iwan ang shopping addiction  kung wala kang purpose and determination.

Tapos na ba ang pamimili ninyo o hindi pa rin? Napag-uusapan n’yo ba mag-asawa ang tungkol sa pagbabadyet? Kumusta naman ang pag-uusap ninyo?

Alam n’yo mga ka-Chink, marami na rin akong couples na nakausap tungkol dito. Me and my wife, Nove, have this advocacy on happy marriage.

Hindi naman kami perfect, pero naniniwala kami pareho that prevention is better than cure. Bago pa man mauwi sa problema, iwasan na natin.

Kaya mahalaga na kahit nasa engagement period pa lang kayo, napag-uusapan na ito:

LIFESTYLE

Malamang nung nasa dating stage pa lang naman kayo, alam mo na rin kung anong lifesyle ng nililigawan mo or ng nanliligaw sa ‘yo ‘di ba?

Nandyan yung “high maintenance” ba ‘yan?

Maluho ba ‘yan?

Magimik ba ‘yan o party people?

So from there, kung gusto n’yo nang mag-settle, kailangan may mga bagay na dapat iwan na. Wala namang masama sa bonding with friends, pero hindi na ito pwede linggo-linggo.

Another is that you have to set your

PRIORITIES

Kung dati, kada sale ay laman kayo ng mall, o kaya naman laging latest phone ang gamit natin para makapaglaro nang maayos, ngayon, dapat nasa budget na.

Darating na kasi sa punto ng buhay na ang pera ninyong mag-asawa ay conjugal na at hindi naman dapat taguan ng pera dito. Kasi mahirap din na hindi kayo tapat sa isa’t isa.

Kaya mahalaga rin na pinag-uusapan kung anu-ano ang mga unang investment o kaya savings para sa sarili ninyong pamilya.

You have to know your

RESPONSIBILITIES

Lalo na kung may mga kamag-anak din kayo na sinusuportahan, dapat mas maging maingat at mas magaling kayo sa pagba-badyet.

Kahit sabihin nating nakawawala ng stress ang pagsha-shopping, isipin din natin na yung mga binili ba natin ay talagang kailangan natin o ng ating pamilya.

Kasi kung ma-realize natin na hindi pala, nasa huli na ang pagsisisi. Kaya kahit tempting ang pag-shopping, kailangan mas malakas ang mindset natin sa goals kasi

“Mahirap iwan ang shopping addiction 

kung wala kang purpose and determination.”

– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY. 

  1. Kaya n’yo bang i-sustain ang lifestyle na mayroon kayo ngayon?
  2. Anu-ano ang mga priorities ninyo?
  3. Paano ninyo maiiwasan ang shopping addiction?

 

A PROVEN and TESTED GUIDE to help you navigate and start your savings journey.

Kaya naman we are launching the Ipon Pa More Kit to help you become a better Iponaryo. Meron ka nang Ipon Kit, meron kapang one year access to my mentoring course sa ChinkTV.

Available in Digital for only 899 instead of 1,098 (Ipon Kit Digital + IponPaMore Online Course)

Click here to order: https://lddy.no/8wsr

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/

YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/ 

 



Submit a Comment



Filed Under: Family, Financial Literacy, Inspirational, Money, Personal Development, Positivity, Relationship Tagged With: Chink Positive, Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Diary of a Pulubi, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Ipon Diary, ipon kit, moneykit, Motivational Corporate Trainer, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker Philippines, My Ipon Diary, Pulubi

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.