Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

MGA KABABAYAN KO

December 26, 2019 By chinkeetan

Ang pangingibang bansa ay hindi lamang dahil sa kita kundi para sa pangarap natin para sa ating pamilya.

Magpapasko na. Maraming OFW ang nakaplano na umuwi muli para makasama ang kanilang pamilya kaya naman naisipan kong gumawa ng blog na ito.

Naalala ko kasi may isang Iponaryo ang nag-share ng kanilang struggles bilang mag-asawa. Sabi nga n’ya ayaw na n’yang pauwiin ang asawa n’ya tuwing pasko.

Bakit kamo? Kasi kapag uwi, laging laman ng inuman. Naku, mga KaChink. Kailangan, we must…

SET UP OUR GOALS

Dapat alam natin kung bakit tayo pumupunta sa ibang bansa para magtrabaho. Dapat sa simula pa lang ay may goal kung hanggang kailan tayo sa ibang bansa.

Halimbawa ang goal natin ay makapagpatayo ng bahay, dapat sa kada pagpapadala ng ating asawa o anak eh nakalaan talaga dito yung pera.

Hindi natin dapat sayangin o gamitin ang pera sa mga bagay na hindi naman kailangan ng ating pamilya. We need to

BE DISCIPLINED

Kahit gaano pa kalaki ang kinikita ng ating asawa o anak sa ibang bansa, dapat naka-budget kung hanggang saan lamang ang maaari nating gastusin for leisure.

Hindi naman masama ang maging mapagbigay sa ibang mga tao at makisama kapag uuwi rin mula sa ibang bansa. Pero kailangan alam natin kung paano hawakan nang maayos ang ating pera na pinaghihirapan.

Spend more time with your family rin dahil ngayon lang din kayo magkakasama. At syempre, huwag kalimutang magtabi ng ipon para sa retirement. You have to…

LEARN HOW TO INVEST

Hindi naman pwede na habang buhay kayong OFW at kumakayod sa ibang bansa. Habang buhay na hiwalay sa pamilya ninyo. Kailangan it’s either umuwi kayo o isasama ninyo sila sa inyo.

Kaya laging maging wais sa pag-handle ng pera. Matutong mag-invest sa mutual fund, o kaya sa VUL o kaya naman sa stock market o kaya naman ay maaari ding magsimula ng negosyo.

Lahat ng mga ito ay kailangan inaaral natin upang hindi masayang ang bawat panahon na ginugugol natin na malayo sa pamilya.

“Ang pangingibang bansa ay hindi lamang dahil sa kita
kundi para sa pangarap natin para sa ating pamilya.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  1. Anu-ano ang mga goals mo sa pagiging OFW?
  2. Paano mo nadidisiplina ang sarili mo sa paghawak ng pera?
  3. Sinu-sino ang mga inspirasyon mo sa pag-abot  ng iyong mga pangarap?

Invest and do the right thing. Enroll now sa aking online course HOW TO RETIRE BEFORE 50. Check it here https://lddy.no/8vaq

—————————————————

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

Facebook page: Chinkee Tan

YouTube channel: Chink Positive

Instagram: @chinkeetan



Submit a Comment



Filed Under: Christmas, Family, magpasko, Motivational, OFW Tagged With: Chink Positive, Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Diary of a Pulubi, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Ipon Diary, ipon kit, moneykit, Motivational Corporate Trainer, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker Philippines, My Ipon Diary, Pulubi

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.