Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Videos
  • Books
  • Online Courses
  • Invite Me

BALIK-TANAW

December 14, 2019 By chinkeetan

Marami na ang mga reunions ngayon. Kaya naman marami ang nagkikita at nagkakakwentuhan sa mga nakaraan.

Alam n’yo mga friendship, last week, nagkita kami ng ilan sa mga kaibigan ko sa industriya. Syempre nandyan na rin ang kwentuhan tungkol sa mga anak.

Ito ang ilan sa mga gusto ko ring ibahagi sa inyo:

CHALLENGES MADE US STRONGER AND WISER

Sa dami na rin ng mga pinagdaanan natin sa buhay. Kapag nagkakakwentuhan na, hindi na mga maliliit na bagay ang pinag-uusapan eh.

Nandyan na ang parenthood, relationships, business. Mas lumalaki ang mga responsibilidad natin. Minsan nga napapaisip din ako na ang sarap din talagang bumalik sa pagkabata. Haha..

Hindi pa gaanong mabigat ang mga desisyon na kailangan nating gawin at simple lang ang buhay. Kaya nga bilang isang magulang sa tingin ko,

PARENTHOOD IS REALLY A CHOICE

May choice man tayo o wala, kailangan piliin talaga nating maging magulang sa mga anak natin. We have to be a good role model to them.

Hindi man tayo maging perfect parents nila, pero at least magabayan natin sila at mapalaki natin nang maayos ang ating pamilya at ang ating mga anak.

Kaya naman saludo rin ako sa mga magulang na pinalaking may pagmamahal sa isa’t isa ang kanilang mga anak. It’s a challenge but we have to work on it because

PRESENT IS THE MOST IMPORTANT PART IN LIFE

Mahirap na dumating ang araw na wala na tayo sa mundong ito at hindi man lang natin nagawa ang main purpose natin bilang magulang sa ating mga anak.

Hindi lamang yaman ang maaari nating maipamana sa ating mga anak. Higit pa dito ay ang pagmamahal nila sa isa’t isa. Ang pagmamahal natin sa kanila.

Hindi pare-pareho ang ating mga anak pero deserve nila ang wagas na pagmamahal mula sa atin dahil ito ang kanilang panghahawakan sa panahon na sila na lang ang maiiwan sa mundo.

  • “Challenging maging isang magulang,
    pero hindi natin ito dapat sukuan.
    Huwag nating hayaan na tayo ay magkulang
    kaya dapat lagi natin silang gabayan at turuan.”
    – Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Anu-ano ang mga pagsubok na dumating sa inyo bilang mga magulang?
  • Paano ninyo ito nalampasan at nasolusyunan?
  • Sinu-sino ang mga taong gumabay at naging inspirasyon ninyo upang maging isang mabuting magulang?

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/



Submit a Comment



Filed Under: balik Tagged With: Chink Positive, Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Diary of a Pulubi, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Ipon Diary, ipon kit, moneykit, Motivational Corporate Trainer, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker Philippines, My Ipon Diary, Pulubi

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: [email protected]
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2021 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.