Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

STAIRWAY TO SUCCESS

December 5, 2019 By chinkeetan

Tao lang tayo. Wala tayong superpowers makalipad o makapag-teleport patungo sa lugar na gusto nating mapuntahan. Lalong wala rin tayong superpowers maabot instantly ang success na hinahanap natin.

There is no easy way to success. Walang elevator. May shortcut man, pero hindi lahat ng shortcuts to success ay safe. Mas maiging maghagdan. Paunti-unti, one step at a time.

So, paano sisimulan ang pag-akyat sa hagdan na ito?

CREATE YOUR OWN DEFINITION OF SUCCESS FIRST

Kung ang “success” para sa iyo ay maging milyonaryo, maniwala ka, aabutin ka nang mahabang mahabang panahon bago mo marating ang sinasabi mong success. You can’t just live every day of your life chasing money.

Pero kung ang “success” para sa iyo ay maging masaya sa buhay at career nang hindi naghihirap dahil sa pera, maaari kang makagawa ng maayos na plano pa’no mo mararating ang tuktok ng tagumpay. Dahil mayroon kang specific goals na maaabot sa bawat steps na magagawa mo paakyat.

Iba-iba tayo ng depinisyon ng success pero mas maiging pag-isipan nating mabuti ito at ilista ang mga short-term at long-term goals na gusto nating maabot on our way to our ultimate goal.

EACH STEP IS A CHANCE TO IMPROVE YOURSELF

Bigyang halaga natin ang pag-improve sa talent at skills na meron tayo na makatutulong sa pag-abot ng pangarap natin.

Kung gusto mong maging writer, kailangang mag-practice ka magsulat. Kung gusto maging singer, mag-practice ka rin umawit ng iba’t ibang kanta at sumali sa mga singing groups o competitions. Sa ganitong paraan ay mahahasa ka lalo.

At syempre, hindi lang talent at skills ang kailangang pagbutihin. Dapat pati na rin ang personality natin. Let us surround ourselves with positivity. Maging stressful man ang journey na ito, huwag tayong magpapabalot sa takot, stress, at negativities.

FOCUS ON THE JOURNEY

Magandang may goal destination tayo pero huwag natin masyadong i-focus ang isip natin doon. Mahalagang pagtuunan nang pansin ang journey na tinatahak natin ngayon, kung nasaan tayo ngayon.

Find your passion, practice it and let it bring you to your destination. Slowly but surely. Huwag kang magmamadali. Your journey to success should not be a car race track but rather a colorful stairway. Take your time and take each step one at a time.

“Do not rush success. Kapag mas matagal at mas pinaghirapan mong makuha ito, mas mae-enjoy mo ang buhay once maabot mo ito.”
Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • What is your definition of success?
  • Gaano kalayo o kalapit ka na sa pagiging successful?
  • Anu-ano ang mga magagawa mo pa para masabing successful ka na?

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/



Submit a Comment



Filed Under: STAIRWAY Tagged With: Chink Positive, Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Diary of a Pulubi, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Ipon Diary, ipon kit, moneykit, Motivational Corporate Trainer, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker Philippines, My Ipon Diary, Pulubi

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.