Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

SANA ALL MAKABAYAD NA NG UTANG

November 26, 2019 By chinkeetan

all

Nakaranas na ba kayo na nautangan?
Nangakong magbabayad sa makalawa
pagkatapos ay nawala na parang bula?
Magugulat na lang isang araw
ay nag-aabang na sa harap ng pintuan,
yung pala ay muling mangungutang.

“Sana ay bayaran muna yung inutang noong nakaraan…”
“Mangungutang na naman? Eh may utang pa nga?”

Minsan hindi ko rin maintindihan kung bakit
ang iba ay magpapakita tuwing uutang
pero madalas nawawala kung time na para bayaran.
Hindi ba nila naisip na ang taong nagpapautang
ay mayroon din na kailangan pagkagastusan?

SILA AY MAY MGA PANGARAP NA NAIS DING MATUPAD
Katulad natin, ang ibang tao na pinagkakautangan natin
ay may mga pangarap din na gustung-gustong matupad.
Pero may mga pagkakataon na kaya nilang i-sakripisyo ito
para sa mga taong mas nangangailangan.
Madalas ay nakalilimutan na ang sarili, makatulong lamang.

Kung may ganito tayong kaibigan
na hindi nagbibilang nang ating utang,
sana’y mahiya rin tayo sa kanilang kabaitan.
Baka hindi natin namamalayan na tayo’y nakaa-agrabyado na
dahil lamang sa hindi pagbabayad on time.
Let’s also help them build their dreams
in such a way na ibalik natin sa kanila ang perang hiniram natin.

SILA AY NAGNANAIS DIN NA MAKAIPON NG MALAKING HALAGA
Siguro’y katulad din ng iba sa atin na madalas mangutang –
pambayad man natin sa Lazada o Shopee,
o kaya’y pandagdag ipon sa bangko,
ang ating mga pinagkakautangan ay naghahangad din na maka-ipon.
Dahil sa pinagpapaguran din nila ang kanilang kinikita,
sigurado rin akong naniniwala silang maka-ipon ng malaking halaga.
Pero paano yun mangyayari kung tayo’y hindi nakababayad on time?

Tulungan din natin silang maka-ipon.
Gaya ng sabi ko kanina, sila rin ay may pinaglalaanan.
It’s so happen na siguro ay mas kailangan natin ng pera
sa mga panahon na tayo’y sumubok na mangutang sa kanila.
Kaya’t panawagan ko sa iba na may pinagkakautangan pa,
huwag tayong mahiyang balikan sila at bayaran.
Dahil deep in their hearts, hindi man sila nagsasalita pero…

SILA AY HUMIHILING DIN NA SANA ALL AY MAKABAYAD
Masakit din kaya sa dibdib at ulo ang mag-isip at magtanong ng
“Kailan kaya sila makababayad ng utang?”
Lalo pa kung araw-araw na tinatanong ang sarili
pagkatapos ay nowhere to be found pa ang nangutang.
Madalas, kaya may iba na hindi na ulit nagpapautang
ay dahil sa iba na nakalimutan nang magbayad
or worst is wala na talagang balak magbayad.

Let us be good examples of those who are financially responsible.
Kung tayo ay may lakas ng loob para mangutang,
dapat ay may tapang din tayong magbayad ng inutang.
Huwag tumakbo, bagkus gawin ang lahat ng makakaya para makabayad.
Tandaan din natin na may buhay ding pinaglalaanan
ang ating mga inutangan kaya tulungan din natin sila.

“Hindi naman masama ang mangutang basta babayaran natin on time. Isipin din natin ang kalagayan ng taong nagpautang.”
-Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker.

THINK. REFLECT. APPLY.
Nakabayad ka na ba ng iyong utang on time?
Hinaharap mo rin ba ang financial responsibilities mo pagkatapos mangutang?
How will you influence other people to also pay their debts on time?

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/



Submit a Comment



Filed Under: all Tagged With: Chink Positive, Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Diary of a Pulubi, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Ipon Diary, ipon kit, moneykit, Motivational Corporate Trainer, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker Philippines, My Ipon Diary, Pulubi

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.