Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

WHERE DO MONEY GOES?

October 27, 2019 By chinkeetan

 

Naranasan n’yo na rin ba na pagkatapos ng sweldo nagtataka tayo na parang saan na napunta ang sweldo natin?

Kung ganito rin ang hinaharap ninyo, let me share in this blog the ways on how to manage our money. Mahirap kasi na hindi natin nababadyet nang maayos ang ating sweldo.

So una sa lahat, alam natin kung paano mag-

SPEND

“Oo naman Chinkee. Spend ba kamo? Alam na alam ko ‘yan.”

Ok pero dapat alam natin kung saan napupunta ang pera. Dapat ay nababayaran natin ang mga dapat na bayaran at ating inuuna ang mga mahahalagang bilihin.

So hindi lang tayo gastos nang gastos. Mahalagang nakabantay tayo kung hanggang saan lang ang maaari nating gastusin. Kailangan ay may disiplina tayo sa sarili.

Tandaan na kahit lumalaki ang ating kinikita kung puro gastos lang din ang alam natin, wala rin. At the end, magtataka na naman tayo kung saan napunta ang pera natin.

Kaya dapat alam din natin kung paano mag-

SAVE

Wala sa laki ng kita ang pagyaman ng isang tao. Kundi sa laki ng kanyang naiipon at iniipon.

Kaya huwag hayaang dumaan ang isang buwan na walang nailalagay sa savings. Dapat may kontrol tayo sa pera natin at hindi tayo ang kinokontrol ng pera.

Gamitin natin ang equation na Income – Savings = Expenses. Malaki man o maliit ang kinikita natin buwan-buwan dapat ay may nakalaang bahagi para sa savings natin.

Savings para sa emergency fund at savings para sa fun and enjoyment. Kailangan alam natin ang limitations ng ating paggastos.

Higit pa dito, kailangan din nating matutunan ang mag-

INVEST

Invest nang tama para sa ating retirement at invest din para sa ating self-development.

Hindi lamang tayo magtitipid dahil kulang ang kinikita natin, dapat ay alam natin kung paano madagdagan ang ating kinikita at mangyayari lamang ito kung marunong tayo mag-invest sa business at sa sarili natin mismo.

Alamin ang ating strengths upang makahanap tayo ng iba pa nating mapagkakakitaan. Pero bago mangyari ito, kailangan ay tuloy-tuloy ang pag-unlad ng ating kaalaman.

“Huwag nating sayangin ang ating kinikita.
Dapat ay matutunan natin ang wastong paghawak ng pera.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Paano ka mag-badyet ng iyong sweldo?
  • Anu-ano ang mga pinaglalaanan ng iyong savings?
  • Saan ka maaaring mag-invest para mas umunlad pa ang iyong kaalaman?

——————————————-

A PROVEN and TESTED GUIDE to help you navigate and start your savings journey.

Kaya naman we are launching the Ipon Pa More Kit to help you become a better Iponaryo. Meron ka nang Ipon Kit, meron kapang one year access to my mentoring course sa ChinkTV.

Available in Digital for only 899 instead of 1,098 (Ipon Kit Digital + IponPaMore Online Course)
Click here to order: https://lddy.no/8wsr

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/



Submit a Comment



Filed Under: WHERE Tagged With: Chink Positive, Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Diary of a Pulubi, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Ipon Diary, ipon kit, moneykit, Motivational Corporate Trainer, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker Philippines, My Ipon Diary, Pulubi

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.