Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

KAHIT KONTING HIYA LANG

September 3, 2019 By chinkeetan

Naalala n’yo pa ba? Kailan ba tayo huling nagpalibre?
Sa kaibigan, kabarkada, katrabaho, kapamilya?
Kung estudyante pa lang at wala pang “K” kumita ng pera,
siguro’y maiintindihan natin kung madalas na magpa-libre.
Pero paano na lang ang iba na may trabaho na at
kaya nang mag-ipon at makapagpundar ng bahay at lupa?
Magpapalibre pa rin ba kaya?

Three of the things we can realize now as young professionals are the following:

MAY MAAYOS NAMAN TAYONG TRABAHO

Kahit sabihin pang trainee pa lang o kaya ay probationary,
the moment na tayo ay kumikita na above the minimum wage
ay nangangahulugang may maayos tayong trabaho.
Kung may maayos tayong trabaho, in one way or another,
maganda rin ang nakukuha nating benefits from our employer.

This means that we can save from our salary.
We can allocate for investment, malaki man ‘yan o maliit.
At higit sa lahat, kaya nating gastusan ang sarili.
Maliban na lang kung nag-i-insist ang kabarkada
o kaibigan na ilibre tayo, that’s a blessing! Tanggapin natin.

SUMUSWELDO KADA 15TH AT 30TH

The fact na may natatanggap tayong sweldo
kada 15th and 30th of the month ay nangangahulugan
na masusustentuhan natin ang ating sarili.
Oftentimes, the reason why we fail is
that masyado tayong excited bumili ng hindi naman needed.
Kaya’t yung sweldo ng 15th at 30th, hindi pa na-withdraw ay ubos na!

This is not a healthy sign of being financially disciplined.
Ang lumalabas ay para tayong nagtatrabaho
para lang maka-survive instead of enjoying the fruit of our labor.
We can truly enjoy the fruit of our labor
once we also learn to budget it wisely.
Considering even the last centavo kung saan mapupunta.
At ang paalala para sa ating lahat…

WE ARE ADULT ENOUGH PARA GASTUSAN ANG SARILI

I cannot say that one is matured than the other,
but I believe we can distinguish who are adult enough
to take care and be responsible of his/her own self
lalo na kung nakapagtatrabaho naman at stable na sa buhay.
Kung hanggang ngayon na lampas 20 years old and above na
ang iba sa atin, mahiya naman sana tayong magpa-libre.
Once again, maliban na lang if they insist to do so.

Simulang mag-invest sa sarili – material things o career man ‘yan.
Spending on ourselves once in a while is not bad.
Hindi rin maganda ang sobrang kuripot at mahigpit sa pera.
We are also depriving ourselves in such a way.
Kaya sana ay lagi nating tatandaan…

“Be matured enough. Huwag laging magpapalibre sa kaibigan kung may trabaho naman tayo!”
-Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker.

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Ikaw ba yung tipo na madalas magpalibre?
  • Ilang beses ka nagpapalibre in a week?
  • Ipagpapatuloy mo pa ba ito kahit may trabaho ka naman?

——————————————————

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos. 

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/ 



Submit a Comment



Filed Under: KONTING Tagged With: Chink Positive, Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Diary of a Pulubi, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Ipon Diary, ipon kit, moneykit, Motivational Corporate Trainer, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker Philippines, My Ipon Diary, Pulubi

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.