Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

TURNING POINT

August 24, 2019 By chinkeetan

We all experience bad things in life. Hindi pare-pareho
ang level ng pain na nararamdaman natin pero lahat
tayo ay may pinagdaanan o pinagdadaanan.

Dahil dito minsan, napahihinto na lang tayo. Yes.
Minsan dapat naman talaga tayong huminto dahil
kailangan nating isipin kung ano ang ating gagawin.

Pero huwag nating hayaan na huminto tayo totally sa
ginagawa natin o kaya naman ma-consume tayo ng
negativity at magpadala na lang sa grief and grudges.

Ano ba ang mangyayari kapag huminto na lang tayo?

YOU MAY LOSE NOT JUST ONE BUT TWO

“Ngayong wala na s’ya, ‘di ko na kayang gawin ito.”
“Siya lang ang dahilan kung bakit ako nagsusulat.”
“Ayoko nang ipagpatuloy pa ang mga ito.”

Minsan may mawawalang tao o bagay sa atin na
talagang may malaking kontribusyon sa ginagawa natin
kaya kapag nawala sila, parang wala nang saysay pa.

Ngunit paano kung hindi lang naman yung taong ito ang
ang dapat din nating isipin? Paano kung may iba pang
tao ang kailangan din nating isaalang-alang?

Paano kung hininto mo ang iyong pagmamahal sa
pagsusulat dahil sa nagkahiwalay kayo ng iyong mahal?
Hindi lamang siya ang nawala kundi ang iyong pagsusulat.

Hindi lamang isa ang maaaring mawala sa atin kundi
higit pa kung hahayaan natin maging malungkot dahil
sa masakit na karanasan o kaganapan sa ating buhay.

If you keep on looking at the bad side,

YOU WILL NEVER SEE THE GOOD SIDE

“Nakakahiya ang mga nangyari. Hindi ko na kaya.”
“Nakakainis talaga yung ka-trabaho ko. Stress!”
“Ano ba namang internet ito? Ang bagal!”

Ok. I get it. Marami talagang nakakainis na bagay at
tao sa paligid natin. Pero yun nga ba talaga ang problema?
Sila nga ba talaga ang problema? O iba lang ang tingin natin?

Paano kung hindi naman talaga ibang tao ang problema
kundi ang sarili natin? Minsan naiinis tayo sa pagbabago
lalo na kung hindi naman ito ang nakagawian natin.

Pero minsan, may mga pagbabago na kailangan nating
sabayan. Kailangan nating matutunan kung paano mag-
adjust para maka-survive din tayo sa ating mundo.

Subukan nating solusyunan ang mga problema natin sa
pamamagitan ng pagtanggap at pag-adjust  sa mga
pagbabago. Wala namang mawawala kung susubukan.

Kahit hindi natin nakasanayan ito, tingnan natin. Mahirap
sa huli na ma-realize mo that

YOU JUST LET THINGS PASS 

“Subukan nating mag-cut ng klase!”
“Subukan nating huwag pumasok bukas.”
“Subukan nating tumakas na lang.”

Ok. Magkaiba ang salitang “driven”  sa salitang “reckless”.
Hindi ibig sabihin na susubukan natin ay talagang kahit
ano na lang. Mahalaga na responsible pa rin tayo.

We just let ourselves be inspired and be driven to try new
things but not doing it recklessly na para ba walang
ibang tao na maaaring mapahamak at masaktan.

We have to step up, master our skills and find our turning
point. Ito yung tamang panahon para may gawing bago.
At ang tamang panahon na ito ay ngayon. The next chapter.

Let’s be an inspiration to others. Share your own grief and
pain, but also share how you overcome it. How you learn and
grow makes you a new you and different from the past.

“Never allow grief, pain and anger consume you;
because you might never see the better version of you.”
–  Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY. 

  • Ano ang main turning point ng buhay mo?
  • Anong karanasan mo ang mas nagpatibay ng iyong pagkatao?
  • Sinu-sino ang mga taong naging inspirasyon mo para sa iyong pagbabago?

 

 

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts: 

 

  • Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
  • Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
  • Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/ 


Submit a Comment



Filed Under: Turning Tagged With: Badyet, Badyet Diary, Chink Positive, Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Diary of a Pulubi, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Ipon Diary, ipon kit, moneykit

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.