Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

MIND POWER

August 17, 2019 By chinkeetan

Alam n’yo ba kung gaano kahalaga ng ating isipan?
Sabi nga kung stress ang isang tao, mas madaling
lapitan ng sakit, pero hindi naman ako doctor.

I won’t discuss any medical matters in this blog.
Gusto ko lang ibahagi na kailangan ingatan natin
ang ating isipan gaya ng pag-iingat natin sa ating katawan.

Kung pinipili natin ang ating mga kinakain at may
routine exercise tayo, kailangan maayos din ang mind|
feeding natin at may mind exercise din tayo palagi.

I’m sure you have your own reasons why you need to take care of your mind. Let me also share mine.

WHAT YOU THINK IS WHAT YOU GET

“I am a winner.”
“I am a good parent.”
“I am rich. I am happy.”

If you want something in life, claim it and say it over and over again.
“So paano yun Chinkee. Sabihin ko sa mga tao na
ako ay successful and wealthy kahit hindi naman?”
No. Hindi ito conversation sa ibang tao but your conversation
with yourself. Ito ang lagi mong sasabihin sa sarili mo.

If you keep on saying this to yourself, then you will have your own
goal and you will be more focused on achieving it.
Alam mo ang patutunguhan mo dahil yun ang gusto mo.

Compose your own self-fulfilling prophecy, your personal mantra.
Kaya kahit ano pa man ang dumating na pagsubok sa ‘yo,
alam mong bahagi ito ng journey para maabot mo ang iyong gusto.

TO THINK IS TO BELIEVE

Na-realize mo ba na kapag may gusto kang bagay, parang
lahat ng tao sa paligid mo may ganito? Parang kung gusto
mo ng sasakyan, mapapansin mo sa park, sa kalsada, kahit saan!

Kung gusto n’yo magka-baby, parang lagi kang may
nakakasalubong na buntis, o may makikita sa TV na buntis.

Sign ba ito?
Well… hindi.

Pero ito ang gusto natin kaya palaging ito ang ating nakikita at
pinapansin. Kahit maraming bagay sa ating paligid, mas pinapansin
pa rin natin kung ano ang ating gusto.

Kaya naman, kailangan positibo tayo. Kung lagi nating nakikita ang
negatibo at pagkakamali ng ibang tao, ito ay dahil yun ang hinahanap
natin. ‘Di ba kapag may nagtanong:

“Okay ba?”

Ang hahanapin agad natin ay ang mali. Yung hindi tama.
Kasi alam natin na okay is not enough. Alam natin na may
mas hihigit pa or may improvement pa na kailangan.

THINK OUTSIDE THE BOX

So never waste your time on things that are not important.
Huwag nating hayaan na makuha ang ating attention ng
mga bagay na hindi naman healthy sa ating isipan.

We have to think outside the box and think differently.
Imagine if you have a garden at hindi mo ito inalagaan,
‘di ba may mga damo na lang na tutubo?

Ganun din ang ating isipan, kailangan nating ingatan dahil
kung hindi, ay hindi rin maganda ang laging tutubo dito.
Laging negatibo at kapag nagpatuloy, mahirap nang baguhin ito.

So kung puro na lang tsismisan ang ginagawa ng mga tao
sa paligid natin, kung puro hindi magandang balita ang
nalalaman natin, it’s time to step out and make a change.

Focus on things that will feed your mind and your soul.
This way, mas magiging masaya tayo, mas focused sa
ginagawa natin at mas healthy ang outlook natin sa buhay.

“Kaya kailangan nating ingatan ang ating isipan
dahil ito ang nagpapagana ng ating pangangatawan.”
–  Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY. 

  • Ano ang iyong personal na mantra?
  • Anu-ano ang nagpapa-relax sa iyong isipan?
  • Gaano ka-positibo ang iyong isipan upang maabot ang iyong pangarap sa buhay?

———————————————————————————————

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:

  • Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
  • Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
  • Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/ 


Submit a Comment



Filed Under: mind Tagged With: Badyet, Badyet Diary, Chink Positive, Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Diary of a Pulubi, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Ipon Diary, ipon kit, moneykit, Motivational Corporate Trainer

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.