Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

WILL YOU MARRY ME?

August 12, 2019 By chinkeetan

Ang exciting kapag nakaririnig tayo nito ‘di ba?
Parang napaka-romantic ng experience kaya marami
ang may gusto na maranasan ito and to get married someday.

But what if something along the way hindi ito ang
nangyari? What if nakita mo na lang ang sarili mo
and realized na hiwalay ka na  o mag-isa ka na lang?

In this blog, let me help you to know a different kind
of marriage that you won’t leave and won’t loose
This marriage is your bond to yourself.

Kailangan nating mahalin ang ating sarili sa

HIRAP AT GINHAWA

Ito yung panahon na kailangan tayo mismo ng ating
sarili. Hindi lamang sa panahon ng ginhawa o tagumpay
pero gayundin sa panahon ng hirap at pighati ng buhay.

Kailangan tinatanggap natin ang ating sarili sa mga
pagkakamali natin. Kahit hindi tayo proud sa sarili
sa nagawa natin, kailangan matanggap natin ito.

Dapat ay matutunan nating magpatawad sa ating mga
sarili sa mga maling desisyon na pinili natin. At mula
doon, magsimula muli tayo na magpatuloy sa buhay.

We have to acknowledge our past mistakes and learn
from it. Learn to be a better person and stop cursing our
own selves. Instead, we should love ourselves even more.

Mahalaga rin na matanggap natin ang ating sarili sa

SAKIT MAN O KALUSUGAN

We have to take care of our selves. We should also know
how to nurse ourselves whenever we are sick and in pain.
We have to keep on surviving.

Sarili natin mismo ang kailangan nating kuhanan ng lakas.
Syempre masarap din na makakuha ng suporta  sa ibang tao.
Pero iba pa rin ang pagmamahal natin sa ating sarili.

Kahit nandiyan ang ibang mga tao para palakasin ang loob natin,
minsan kailangan pa rin nating sabihin sa ating sarili nang paulit-ulit
na kaya natin at malalagpasan natin ito.

Spend more time to think of happy thoughts. Do things that will
make you happy and  things that will improve our own self.
Explore the world. You’re with yourself. You’re not alone.

Anuman ang hugis ng katawan natin, kulay natin, hitsura natin,
kailangan natin itong tanggapin at pangalagaan.
We define our own beauty for as long as we strive to be healthy.

Kaya dapat mahalin natin ang ating sarili

HABANGBUHAY

Sarili natin ang namumukod tanging hindi dapat natin iwan.
Kahit anong mangyari, we should love ourselves so we can love
others wholeheartedly as well. Buo dapat ang ating puso.

Hindi lamang tayo hahanap ng iba para kumumpleto sa atin.
Hindi dapat tayo maging selfish sa ibang tao. Kung paano natin
minamahal ang ating sarili, ganun din tayo sa iba.

Matuto tayong magpatawad sa ating sarili at sa ibang tao.
Sa bandang dulo, hindi lang naman tayo ang nagkamali,
hindi lang naman sila ang nagkamali. Lahat tayo ay nagkamali.

May isang punto sa buhay natin na nagkamali tayo pero hindi ito
ang magsasabi at magdidikta kung sino ang dapat nating mahalin,
kung sino ang dapat magdusa, kung sino ang natalo.

We have to move every step and love our own self again and again
and again. Because at the end of the day, what will matter is not just
how painful we’ve been through, but how truly we love.

“So before you get into marriage, commit and love yourself first.
and never spend your entire life avoiding what could be the worst.”
–  Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY. 

  • Ano ang pinakamasakit na naging karanasan mo sa pag-ibig?
  • Paano mo ito nalampasan at ano ang iyong natutunan dito?
  • Paano mo pinahahalagahan ang iyong sarili?

 

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts: 

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/



Submit a Comment



Filed Under: marry, Will Tagged With: Badyet, Badyet Diary, Chink Positive, Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Diary of a Pulubi, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Ipon Diary, ipon kit, moneykit, Motivational Corporate Trainer

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.