Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

IT’S A NO-NO

June 28, 2019 By chinkeetan

Marami sa atin ang nais ding yumaman at maging
successful sa business. Marami tayong nakikitang
mayayaman na tao na ang laki-laki ng bahay.

Ang daming sasakyan at mamahalin lahat ng mga
gamit at mga damit. Syempre gusto rin natin ito kaya
gusto rin natin na magkaroon ng business tulad nila.

Pero paano ba natin malalaman kung bagay talaga
sa atin ang business? Anu-ano ang mga katangian
para mapabilang tayo sa industry na gusto natin?

Let me share basic reasons to know that you’re not
yet ready to put up your own business.

HINDI KA PA HANDA KUNG KAILANGAN MO NG PERA AGAD

Business is also an investment. Don’t expect na magkakaroon
ka agad ng malaki  at successful na business
overnight. It will take a lot of time bago ka kumita.

You need to pay the rent and all the bills. You need to pay your
debts and loans. You need to pay all the people who are working
for you before you actually pay yourself. Ganyan talaga ang reality.

Ang iba umaabot ng ilang taon bago pa mabawi talaga ang
ipinundar sa business. Kaya kung ngayon ay may sapat kang
sweldo, mag-ipon muna at ingatan ang kita.

Kailangan may extra money ka kung talagang gusto mo ng
totoo, legal at maayos na business. Hindi pwede na trip mo lang
o kaya nakita mo lang sa social media.

Kung gusto mo ng pangmatagalan na business, kailangan handa
ka dahil halos walang free time kapag may sarili kang negosyo.
Lalo na sa unang taon magiging babad sa business ang iyong oras.

Kaya mahalaga na hindi ka lang financially ready dahil..

HINDI KA PA HANDA KUNG WALA KANG MENTAL TOUGHNESS

Yes. Kung hindi mo rin kaya mag-lead sa ibang mga tao at
kung hindi mo kaya ang burden o laki ng responsibilidad sa
pagkakaroon ng sariling business, then think again.

Iisipin mo kung paano mababayaran ang mga bills, ang loans,
at ang mga empleyado. Buwan-buwan ganyan ang iyong haharapin. Buwan-buwan kailangan mong maka-survive.

Kailangan din alam mo kung paano i-market ang iyong
business. Kailangan creative ka para makilala ka sa dami
ng iyong magiging competition. You need to step up and plan.

Since kailangan mo ng mga clients, you also need to know how
to be able to close a deal.

In short, you need to meet different people and learn how best to
deal with them for your business to survive. Hindi pwedeng
mahiyain kung bubuo ka talaga ng malaking business.

Kaya mahalaga na talagang alam mo ang iyong pinasok dahil..

HINDI KA PA HANDA KUNG HINDI MO ALAM ANG INDUSTRY

Halimbawa food industry, kailangan mong alamin ang mga legalities.
Anu-ano ba ang mga kailangan sa business para magkaroon
ng certification at maging legitimate and ready for operations?

Kailangan alam mo rin kung paano gawin o lutuin ang iyong mga
products. Para alam mo yung buong proseso. At syempre
mahalaga na alam mo kung sinu-sino ang iyong ipapasok.

Hindi ibig sabihin na kaibigan mo, okay na, pwede na. Dapat
ay alam ng iyong team kung ano ang totoong roles
nila at ang mga qualifications na dapat meron sila.

Hindi pwede na uso lang kaya gagayahin. Mahalaga na
alam mo ang loob at labas nito. Dapat din ay passion mo
ang industry na iyong pinili para may inspirasyon ka.

Invest in expanding your knowledge. Huwag manghinayang na
palawakin ang iyong kaalaman para hindi masayang ang iyong
pera at oras na ipupundar sa business.

“Kung puro ‘baka pwede na yan’ ang linya natin sa negosyo…
Think again. Sa pagbuo ng business dapat handa at sigurado.”
–  Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY. 

  • Anu-ano ang source of income mo ngayon? Kaya mo ba financially magsimula ng negosyo?
  • Anong industry ang gusto mong pasukin?
  • Handa ka ba sa bigat ng responsibilidad para magsimula at mamuno ng isang negosyo?

 

************************************************

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/

Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

 



Submit a Comment



Filed Under: NO Tagged With: Badyet, Badyet Diary, Chink Positive, Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Diary of a Pulubi, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Ipon Diary, ipon kit, moneykit, Motivational Corporate Trainer

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.