Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

GAYA-GAYA PUTO MAYA

June 15, 2019 By chinkeetan

Bakit kaya mahilig tayong manggaya ng ibang tao?
Bakit kung ano ang mayroon ang iba dapat ay mayroon
din tayo? Kahit hindi naman kailangan, binibili natin.

May ilan sa mga dahilan kung bakit tayo ganito
mag-isip at kung bakit mas gusto pa nating gumastos
kaysa magtipid at mag-ipon para sa future natin.

Allow me to share with you some reasons kung bakit tayo nagigipit at tuluyang naghihikahos para
higit na maging aware pa tayo dahil baka nararamdaman
na natin ito pero hindi naman natin maamin sa ating mga sarili.

Unang dahilan ay..

INGGIT gaya-gaya

“Bakit s’ya mayroon nun?”
“Dapat mayroon din ako nun.”
“Sa akin dapat yun eh.”

Ganito tayo minsan mag-isip kaya tuloy gumagawa
tayo ng desisyon na minsan hindi naman talaga
dapat at bumibili tayo nang hindi naman kailangan.

Ang problema dito, minsan umuutang pa tayo para
lamang makabili nito o kaya makakakain ng ganun.
Kahit wala kasi sa budget, pinipilit natin.

Huwag sana tayong maging ganito at maiba na
ang ating pananaw para hindi natin napababayaan
yung mga bagay na mas kailangan natin bayaran.

Mahirap kasi na magpatong-patong na ang mga
utang natin at mabaon na tayo dito just for the sake
na makasabay at hindi tayo mapag-iwanan.

Isa pang dahilan kung bakit tayo bigla na lang
bumibili at gumagaya sa iba ay dahil sa..

SELF-PITY gaya-gaya

“Kawawa naman ako. Ako na lang ang may ganitong phone.”
“Nakakahiya naman. Wala na naman akong pangregalo.”
“Kainis. Ubos na agad ang sweldo ko.”

Kapag ganito na ang naiisip natin, minsan nade-depress
tayo at naaawa na lang sa sarili natin. Kaya kapag may
pagkakataon na makabili lalo na kung sale, sige go!

Pero minsan hindi naman natin iniisip talaga kung
kailangan ba talaga natin ito. Kailangan ba talaga up-to-
date lagi ang phone natin pati na mga damit o sapatos?

Kahit hindi sa sarili natin, kahit sa mga anak natin.
Kailangan ba talaga ng anak natin ng ganoong brand
or are we just spoiling them kahit can’t afford na tayo?

Kailangan din nating turuan ang sarili natin at ang ating
mga anak to prioritize. Kung talagang gusto, bakit hindi
natin pag-ipunan. Para hindi na natin kailangan umutang pa.

Isa pang nakikita kong dahilan ay ang pagiging..

MAYABANG gaya-gaya

Ito yung sinasabi na human electric fan. Sa sobrang
yabang ay nililipad na tayo at hindi na natin alam kung
paano pa sumingit ‘pag sya na ang nagsalita at nagbida.

“Grabe tingnan n’yo yung bagong relo ko. Limited edition ‘yan.”
“Alam mo yung daddy ko, binigyan ako ng bagong sasakyan.”
“Nakapunta na ako d’yan. Sunod naman sa ibang resort.”

Wala namang masama sa pag-share ng mga bagay-bagay
pero kung ang intensyon natin ay ipagyabang, mali na ito
lalo na kung hindi naman galing sa atin ang pera.

Sasabihin pa natin na magkakaroon din tayo pero ang nasa isip
na natin ay hihiram ng pera sa iba tapos iba rin ang idadahilan
pa natin. Hindi ba parang niloloko lang natin ang ating mga sarili?

Minsan pa nga magca-cash advance tayo, tapos sa katapusan
wala na. Kulang na. Nganga na naman. Kaya huwag magpadala
sa mga ganito para hindi tayo mabigla na wala na tayong pera.

“Ang panggagaya sa iba ay hindi natin ikayayaman,
kaya huwag magpanggap para hindi tayo mauwi sa kahihiyan.”
–  Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Paano mo hinaharap ang mga pagkakataon na gustong-gusto mong bilhin ang isang bagay pero wala ito sa budget mo?
  • Bakit mahalaga ang magbadyet?
  • Magkano ang itinatabi mo para sa ipon mo at para naman sa mga ibang gusto mo?


Submit a Comment



Filed Under: gaya-gaya, gayagaya Tagged With: Badyet, Badyet Diary, Chink Positive, Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Diary of a Pulubi, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Ipon Diary, ipon kit, moneykit, Motivational Corporate Trainer

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.