Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

PAGHAHANDA SA BIRTHDAY, REQUIREMENT OR HINDI NAMAN?

June 13, 2019 By chinkeetan

“Kailangan ba na laging maghanda
ang isang tao sa tuwing birthday niya?”

Minsan ko na rin itong natanong sa sarili.
Normal na talaga sa ating mga Pinoy
na sa tuwing sasapit ang kaarawan natin
o ng kamag-anak, kakilala, kapitbahay
ay may malaking handaan. O ‘di kaya’y
simpleng salu-salo pero sa mamahaling kainan!

Pero ang paghahanda ba tuwing birthday
ay requirement o pwede ring hindi naman?
May iba’t iba man tayong opinyon tungkol dito,
but the best way to reduce costs
in times like this is… BE PRACTICAL.

MAGHANDA KUNG MAY PANG-HANDA

Simple lang din naman dapat ang prinsipyo.
Huwag pilitin ang income, savings at emergency fund
para lang maka-produce ng budget sa ideal birthday celebration.
Gustuhin man nating maka-accommodate ng maraming tao
to celebrate and have fun with us sa special day,
pero kung kulang talaga ang panggastos natin ay huwag nang pilitin.

Kung gugustuhin nating i-push ang paghanda
dahil itinuturing natin itong precious memories to keep,
dapat ay umpisa pa lang ng taon
ay masipag na tayong mag-ipon!
Saying “NO” to every milk tea kiosk on the streets.
Resisting the call of fast food chains.
Making every centavo count in a piggy bank.

Kung gugustuhin talagang makapaghanda sa birthday, dapat ay…

MAGHANDA NANG HINDI NANGUNGUTANG

2 years ago, nangutang ng dalawang libo para sa panghanda.
Last  year naman, tumaas sa limang libo ang inutang.
Sabay sabing, “Pakidagdagan lang ng interes,
babayaran ko sa pag-abot ng bonus at 13th month pay!”
Pag-abot ng sumunod na taon, nadagdagan ang utang.
Naging sampung libo na, plus interes! Ang ending?
Mangiyak-ngiyak sa mas pinalaking interes kaysa sa utang.

Naku po! Kung maghahanda tayo sa birthday
pagkatapos ay kukunin sa pangungutang,
I strongly suggest huwag nang gawin, mga KaChink!
Lalo pa kung hindi tayo confident sa capacity natin magbayad.
Pag-isipan muna natin bago gawin.
Iwasang madala sa bugso ng pitaka at damdamin.
Huwag nating kalimutan at laging isa-isip na…

MAGHANDA NANG NAAAYON SA FINANCIAL CAPACITY

Gaya ng sabi ko kanina, BE PRACTICAL.
Tayo dapat mismo ang nakaaalam ng kapasidad ng ating finances.
Hindi ang ibang tao o kakilala na puno ng suggestions.
Kung sa ngayon ay walk in the park with a dirty ice cream
on hand pa lang ang kaya natin, bakit hindi?

We can celebrate and enjoy our birthday in many ways.
Yung walang iniisip na utang na kailangang bayaran,
at walang taong maaagrabyado sa pangungutang,

Let us break the mindset na kung birthday,
requirement ang handaan at pabonggahan.
Sa panahon ngayon, mas mahalaga na ang makapag-ipon.
Kaya’t huwag sana nating kalilimutan:

“Okay lang naman ang maghanda kung birthday.
Pero siguraduhing hindi mangungutang lalo na kung hindi naman pala kayang bayaran.”
-Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker.

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Magkano ang madalas na nagagastos mo sa handa tuwing birthday mo?
  • Kung iyong iisipin, magkano na kaya ang nagastos mo out of your birthday’s celebration every year?
  • How can you celebrate your next birthday with more savings instead?

    ————————————————————————————————

    Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

    • Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
    • Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
    • Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/


Submit a Comment



Filed Under: paghahanda Tagged With: Badyet, Badyet Diary, Chink Positive, Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Diary of a Pulubi, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Ipon Diary, ipon kit, moneykit

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.