Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

YAYAMAN NA AKO

May 25, 2019 By chinkeetan

May kilala ka bang successful sa career or business?
Alam mo ba ang kwento ng buhay nila at kung paano
sila naging successful and rich sa kanilang career?

In this blog, I will share with you the characteristics
of rich and successful people. I myself have been
practicing these and I also want you to learn them.

Hindi ito magic na kinaumagahan, biglang yaman
ko na. I have to continuously practicing it para
hindi na ako mabalik sa dating buhay namin.

So here are the three characteristics to be rich and
successful:

MOTIVATED IN ACHIEVING OUR GOALS

Kailangan nating maging goal-oriented at hindi
money-oriented. Hindi pwedeng pera at parating
pera lang ang iisipin natin sa mga ginagawa natin.

Mahalaga na may purpose tayo. Like ang goal
natin ay para sa pag-aaral ng mga anak natin. Yun
ang goal natin at hindi lang para magkapera per se.

“Para ito sa 50th wedding anniversary ng parents ko.”
“Para ito sa panganganak ng misis ko.”
“Para ito sa dream house namin.”

Nage-gets n’yo? Be specific para sa goal n’yo. Mahirap
kasi na gusto lang natin magkapera kasi kapag nandyan
na ang pera at wala tayong goal, magagastos lang ito.

Mahalaga na alam natin kung para saan ang pera na
nakukuha natin, upang maging malinaw at motivated
tayo sa ginagawa natin para maabot ang goals natin.

It is also important that we are..

DISCIPLINED IN HANDLING OUR MONEY

It is important that we know how to prioritize saving than
spending. Hindi lang puro gastos ang gagawin natin.
Kailangan may disiplina tayo sa sarili natin mismo.

Mahalaga na alam natin kung ano ang kailangan talaga
natin sa gusto lang natin. Dapat alam natin ang needs
versus wants para hindi masayang ang ating sweldo.

Kung hindi natin kayang kontrolin ang ating sarili,
mahihirapan tayo na makaipon. Wala pa ang sweldo,
nakalinya na ang mga gusto nating pagkagastusan.

“Sa sweldo, nood tayo ah.”
“Sa sweldo, outing na tayo!”
“Sa sweldo, bibili ako ng bagong sapatos.”

Walang masama na bigyan ng treat ang ating sarili perokung
‘di natin na-prioritize ang dapat na bayaran at
mas mahalagang bilhin, mauuwi lang sa financial problem.

So it is important that we don’t just save but we should
also be..

KNOWLEDGEABLE IN GROWING OUR MONEY

Kailangan hindi lang tayo nakapagtatabi ng pera dahil
dapat mapalago natin ito at matutunan natin kung paano
mag-invest at kung paano makaiwas sa mga scam.

Mahalaga ang may alam kaya huwag magdalawang-isip
para matuto ng tamang paraan para hindi tayo maloko at
hindi masayang ang pera na ating pinaghirapan.

Maraming tao sa paligid natin ang magaling manloko dahil
marami rin ang madaling magpaloko. Kaya invest in learning
and in educating your own self to growing your money.

Ganun din sa business. Hindi lang tayo basta-basta papasok sa
business nang kulang ang ating kaalaman sa papasukin
natin. Kailangan ay alam natin ang ins and outs ng business.

Both investment and business, kailangan ng tiyaga dahil walang
nagiging successful overnight. Kaya huwag mainip maabot ang
ating tagumpay, ang mahalaga we are on the right track.

“If you want to be wealthy and successful,
you need to be wise, patient and hopeful.”
–  Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Anu-ano ang mga long term goals mo sa buhay?
  • Nasimulan mo na ba makapag-ipon?
  • Anu-ano ang gusto mong pasukin na investment at business?


Submit a Comment



Filed Under: yayaman Tagged With: Badyet, Badyet Diary, Chink Positive, Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Diary of a Pulubi, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Ipon Diary, ipon kit, moneykit, Motivational Corporate Trainer

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.