Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

SOCIAL MEDIA DOESN’T MAKES THE WORLD GO ROUND

May 23, 2019 By chinkeetan

According to some research, ten minutes of spending
on social media, particularly sa Facebook
causes a person to become lonely.
This is in a psychological manner.
Bakit? Kasi people daw would often post
magagandang updates and sometimes just a facade
from what really is the real thing.

So ang tendency natin? Magkumpara.
“Sana may ganyan din ako tulad ng sa kanya…”
“Ako kaya, kailan na magkaka-lovelife?”

Little we did not know, nag-register na sa sistema natin.
Hanggang sa naging normal na lang para sa atin
ang magkumpara at mainggit sa buhay ng iba.

Are these taking us to something?
Or are we feeding bad behaviors and negativities?
Kung sa tingin natin ay nagiging mundo na natin
ang social media lately, at halos dito na lang tayo nakababad,
baka makatulong ang mga sumusunod na ito:

LIMIT THE USE OF OUR SOCIAL MEDIA ACCOUNTS

Yes! L-I-M-I-T. As the word itself means,
kailangan nating bigyan ng taning ang pag-Facebook,
Twitter, Instagram at kung ano pang social media accounts natin.
Lalo na kung yung paggamit natin nito ay nakababawas ng ating oras
sa mga taong mahal natin at nakakaistorbo sa ating trabaho.

Madalas kasi hindi natin namamalayan na mahigit dalawang oras
na pala tayong nakababad sa kaka-scroll ng newsfeed,
kapipindot ng “like” o kaya naman “Pinusuan ko na, friend!”,
kaka-share ng posts ng bentang political memes at pang-heartbroken.
Kahit nga yung simpleng reply sa messenger,
kung hindi natin i-e-end yung conversation
baka umabot pa hanggang alas dos ng kinaumagahan.

Nyay! Natatawa siguro tayo ngayon sa ganito,
pero existing na pala nating habit.

Now that we are aware of this, let’s also be radical
in changing this bad habit. Let’s start from small.
I-challenge natin ang sarili na gumamit
ng ating social media account maximum na ang 1 hour.
Then kung naging successful, pwede bawasan to 40 minutes.
Hanggang sa makaya na natin ang 20 minutes or less, at magawa nating…

MAGLAAN NG QUALITY TIME WITH OUR FAVORITE PEOPLE

It may be that one way of spending quality time with our favorite people
is chatting with them, video calling, at kung ano pang interactions sa Facebook.
But nothing beats meeting them in person.
Iba pa rin kasi talaga yung kumakain at nagkakape sa labas.
Nagkukwentuhan at updates sa buhay.
Pwede ring maglaro ng arcade, o kaya mag-videoke.
Anything that we can enjoy with them,
lalo na kung pagkain ang pag-uusapan! Ha-ha!

Ano nga ba ang mas mahalaga sa atin?
Ang ating social media account o ang mga taong mahal natin?
Kung sa tingin n’yo ay mahirap itong gawin for now,
yung limitahan ang paggamit ng social media
at imbis ay mag-set ng dates and catch ups with them,
don’t worry! Always remember to…

FAITH IT, UNTIL WE MAKE IT!

Sabi nga nila, what we sow is what we reap.
By faith, we will cut off the things
na hindi productive para sa atin at sa iba
then later on makikita natin ang bunga
ng ganitong klaseng pagdidisiplina.
Nurturing a relationship and friendship with people
may be costly, but it’s all worth it.

Ang mga gadgets at iba pang teknolohiya
kung mawala ay pwede pa namang palitan ulit.
Pero magagawa ba nating palitan
yung mga taong mahal at mahalaga sa atin?
Kaya’t hangga’t may oras pa at malakas pa tayo,
huwag sana nating kalimutan ito:

“Huwag nating hayaan na umikot sa “Social Media” ang mundo natin. Magkaroon ng sapat na oras para sa mga taong mahal natin.”
-Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker.

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Ilang oras usually ang nagugugol mo sa pag-so-social media?
  • Sa paraan bang ito, nakaka-spend time ka pa ba  sa mga taong mahal mo?
  • How will you make it up to them this time instead of spending your time sa social media?


Submit a Comment



Filed Under: Social Media Tagged With: Badyet, Badyet Diary, Chink Positive, Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Diary of a Pulubi, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Ipon Diary, ipon kit, moneykit, Motivational Corporate Trainer

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.