Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

THE RIGHT PERSON

April 28, 2019 By chinkeetan

“Paano ba natin malalaman ang true love?”
“May signs din ba ito na galing kay Lord?”
“What if hindi pala s’ya ang nakatakda sa akin?”

Masyado tayong na-hook sa mga teleserye.
Pero sa totoo lang ilang mga tao ang
nakapaligid sa mga main characters.

Hindi na natin kailangan isa-isahin pa.
Ibig sabihin lang controlled ang daloy ng kwento
ng mga bidang characters sa serye o pelikula.

Ang buhay natin ay iba sa buhay ng mga
characters lalo na ang kwentong pag-ibig natin
na tayo mismo ang writer, director and actor.

So paano ba natin makikilala ang “the right one”?

SET THE RIGHT STANDARDS

(Photo from this link)

Yes. We have to list all the qualities
that we want our true love to possess.
Kailangan galing mismo sa atin ang mga ito.

Then we also have to write the worst qualities
that we don’t want. Kailangan malinaw sa atin
ang mga nilista nating qualities.

Hindi kailangang marami. Mahalaga, malinaw at direct
ang qualities na gusto natin. At hindi pwedeng may
exceptions at ‘di susundin ang list.

Halimbawa ayaw natin ng sugalero, pero yung
taong gusto natin ay mahilig sa sugal. So aalisin
na lang ba yun? Shall we just settle for less?

Pero ang big question: Willing ka ba makasama
ang ganung klaseng tao habang buhay?
Titiisin na lang para lang magkaroon ng partner.

Eh paano kung ‘di pala maganda ang totoong ugali niya?
Akala natin kilala na natin ang taong ito pero
nagulat na lang tayo na may iba pala s’yang ugali.

Kaya kailangan kilalananin natin nang husto and search.

AT THE RIGHT PLACE

(Photo from this link)https

Yes. Find the right person at the right place.
Gusto natin ng maayos at matinong tao
pero nasa tamang lugar ba tayo para mahanap siya?

Parang shopping lang ‘yan, mahirap
makahanap ng damit para sa adult kung nasa toy
section tayo ng department store.

Nage-gets n’yo? Gusto nating mahanap ng right person
pero nasaan ba tayo lagi? Nasa bar, nasa inuman,
nasa pasugalan? Is this the right place to look for?

Hindi naman tayo nanghuhusga, pero alam din natin
na maliit ang chance na makatagpo tayo ng
taong hinahanap natin sa mga lugar na ganito.

Again, wala tayo sa teleserye na babaguhin ng
bidang babae ang bidang lalaki. O kaya against
all odds ang peg ng kwento ng love story natin.

Mahalaga ang peace of mind sa isang relasyon.
Kaya kung sa simula pa lamang at alam nating
magulo ang mundo ito, then think: Am I really ready?

Dahil kailangan..

BE THE RIGHT PERSON

Photo from this link

Hindi pwedeng nag-set tayo ng standards at naghahanap
tayo pero hindi pa pala tayo mismo ang right person
para sa taong hinahanap natin.

May goal tayo sa buhay, so i-set na rin natin ang ating buhay
pag-ibig. Be the right person by preparing to become the best
version of ourselves.

Be ready, emotional, spiritual, mental,  physical and
financial. Kailangan handa tayong magmahal ng may
matibay na pananampalataya sa Panginoon.

Dahil si God ang magiging guide natin to make decisions
in life. Kailangan din physically ready tayo sa papasukin
nating adventure dahil sabi nga para itong roller coaster.

Kaya mahalaga rin na financially ready tayo at may
maayos na trabaho at may patutunguhan ang buhay.
Kailangan buo tayo kapag natagpuan na natin si Right One.

Dahil hindi natin kailangan pang antayin na may dumating
muna bago magbago at mag-ayos ng buhay natin. Kailangan
may kusa tayong ayusin ang sarili nating buhay.

“Hindi lang natin kailangan maghanap ng tamang tao para lang makasama natin;kailangan din nating maging mabuting tao para maging karapatdapat na mahalin.”
–  Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Anu-ano ang mga good qualities na nais mo sa taong mamahalin mo?
  • Anu-anong mga katangian ang hinding-hindi mo makakayanang makasama sa buong buhay mo?
  • Paano ka naghahanda para maging right person para sa kanya?


Submit a Comment



Filed Under: right Tagged With: Badyet, Badyet Diary, Chink Positive, Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Diary of a Pulubi, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Ipon Diary, ipon kit, moneykit, Motivational Corporate Trainer

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.