Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

IWASAN ANG SCAM

April 16, 2019 By chinkeetan

“Halos 1 Million yung tinangay sa ‘kin.”
“Malaki kasi yung balik ng kita kada buwan.”
“Kaibigan ko kasi s’ya kaya nagtiwala ako na ‘di n’ya ako lolokohin.”

Ilan lamang ito sa mga naririnig natin sa mga
biktima ng scam. Pinangakuan ng malaking
halaga kapalit ng sinasabi nilang investment.

Ito lang din ang kailangan nating tatandaan,
walang yumayaman paglipas ng isang araw lang.
Kailangan ay pinag-aaralan at pinagpapaguran ito.

Kaya marami ang nabibiktima ng scam dahil
marami ang gustong yumaman agad-agad kahit
hindi naman nauunawaan ang investment na pinasok.

Kaya nais kong maging mas matalino tayo sa pagdedesisyon
sa pagpasok sa investment. Kailangan may

SAPAT NA KAALAMAN

(Photo from this link)

Marami na tayong naririnig na mga na-scam.
Mga taong naloko dahil sa akalang maibabalik ang
perang in-invest na may malaking tubo kada buwan.

“Sabi kasi may balik na 5% per month.”
So kung sa isang taon, may 60% per annum yun!
Ang laki ‘di ba? Nakakaenganyo talaga!

Pwede na tayong magretiro talaga nang maaga.
Masaya ang buhay dahil may kinikita tayo kahit
wala naman tayong ginawa kundi “magbigay” ng pera.
(Oh ‘di ba? Yun naman talaga literal?)

Tapos sa huli wala rin naman pala. Hindi kasi natin
inalam kung ano ba ang totoong pinasukan natin na investment.
Basta narinig natin na maganda yung kita, sige! Pasok!

Come on! Kailangan natin magresearch din sa paligid.
Alamin at makinig sa kwento ng mga nabiktima na kasi
we also have to learn from the experiences of others.

Kasi dapat tingnan natin if it is

TOO GOOD TO BE TRUE

(Photo from this link)

5% per month, that’s 60% per annum! Mas mataas pa sa bangko.
Yung bangko nga ‘di kayang ibigay yun, tapos kung anong
“business” lang sa tabi ang makapagbibigay ng malaking tubo?

Buti sana kung stable na business at kilalang business
sa bansa natin. Pero ngayon lang natin narinig
at mag-iinvest na agad tayo sa business na ito?

Ikaw nga, kunwari may business ka, sa ‘yo lahat ng puhunan,
labor, selling, ta’s kunwari kumita ka ng 10%. Yung 5%,
ibibigay mo na lang ba yun basta sa iba na wala namang ginawa?

Kasi ganun yung pinapalabas sa sinasabi na may 5% per month
na kita o tubo mula sa ininvest na pera. Eh sa totoo
lang naman sa atin naman talaga yung pera na yun.

Oh ‘di ba? Pinaikot lang tayo. Tapos sa susunod,
kasi nakatanggap na tayo, akala talaga natin totoo.
So mas malaki ang ibibigay natin na investment.

Hindi natin alam ginigisa na tayo sa sarili nating mantika, kaya dapat

HUWAG AGAD MAGTIWALA

(Photo from this link)

“Yung mga kaibigan ko nag-invest din naman doon.”
“Kamag-anak ko naman ang nag-offer sa ‘kin.”
“Yung katrabaho ko nga yumaman din doon.”

Eh naloko rin sila. Biktima rin sila. Hindi natin alam.
Pare-pareho lang tayo na naging biktima ng scam.
Kaya sa huli, marami ang nabibiktima.

Nakatikim lang tayo ng 5% akala na natin totoo. Ang totoo
talaga ay naging greedy na rin tayo. Kaya kapag naloko
na tayo, bye-bye na sa perang pinaghirapan natin.

Tandaan, the higher the interest, the higher the risk.
So kung may in-offer na malaki ang interest o kita,
we have to think twice and ask kung legit ba ito.

Huwag tayong grab lang ng grab lalo na kung malaking
halaga ng pera ang ilalabas natin dahil ilang taon
din nating pinaghirapan ang pera na iyon.

“Kaya maraming tao ang madaling ma-scam
dahil bukod sa nagtiwala agad, maraming bagay ang ‘di na inalam.”
–  Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Totoo bang business ang pinaglaanan natin ng investment?
  • Matatag ba na kumpanya ang paglalagyan natin ng investment?
  • Protected ba ng government ang pera na ilalagay natin for investment?

====================================================

WHAT’S NEW?

IPON PA MORE KIT DIGITAL for only P899 instead of P1,098

To order, go to  https://lddy.no/8wsr  

IPON PA MORE KIT BOXSET for only P899 instead of P1,349

To order, go to  https://chinkeetan.com/ipmkit

MASTER PROSPECTOR LIVE SEMINAR for P599 (early registration)To register, go to https://chinkeetan.com/prospector


CHINKTV ALL ACCESS (8 ONLINE COURSES)

for only P1,598 instead of P6,392
To register, go to https://lddy.no/8vbk

Ipon Pa More
How to Retire Before 50
Be A Virtual Professional
Secrets of Chinoypreneur
Benta Benta Pag May Time
Happy Wife Happy Life Live Seminar
Happy Wife Happy Life Online Course
Juan Negosyante: Negosyo Now, Asenso Later
ONE YEAR Access!

=====================================================

NEW VIDEO

“NEGOSYO TIPS: START YOUR OWN BUSINESS IDEA NOW!”
Click here to watch➡➡➡https://youtu.be/mphyGNqs0mU  

=====================================================

CHINKEE TAN SHOP

Ipon Kit: chinkeetan.com/iponkit

Iponaryo Planner Kit: chinkeetan.com/iponaryoplanner

Moneykit with 12 books FREE: chinkeetan.com/moneykit

Other products: chinkshop.com

Other online courses: chinktv.com



Submit a Comment



Filed Under: iwasan Tagged With: Badyet, Badyet Diary, Chink Positive, Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Diary of a Pulubi, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Ipon Diary, ipon kit, moneykit, Motivational Corporate Trainer, Motivational Keynote Speaker

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2022 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.